^

PSN Showbiz

Joshua nagpipigil muna kay Julia

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Joshua nagpipigil muna kay Julia

Joshua at Julia

Halos hindi makasagot si Joshua Garcia nang tanungin kung may plano ba siyang ligawan si Julia Barretto. Magkasama ang dalawa sa pelikulang Vince & Kath & James na isa sa mga pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival. “Wala pa, sa ngayon trabaho muna po. Magpo-focus muna kami,” nakangiting bungad ni Joshua.

Ayon sa binata ay na kay Julia na halos ang lahat ng mga katangiang hinahanap ng lalaki sa isang babae. “Mabait siya at napaka-down to earth na tao. Wala siyang kaarte-arte sa katawan. Inglisera lang talaga siya pero kapag nakita mo ang personality niya, mamamangha ka. Jologs talaga siya, isipin mo ang ganda-ganda niya tapos mas lalaki pa sa ‘yo,” makahulugang pahayag ni Joshua. Para naman kay Julia ay hindi rin siya nagmamadali na magkaroon ng kasintahan at mas mabuting maging magkaibigan muna sila ng aktor sa ngayon. “Our first priority was to portray the roles well that were given to us. Ang second priority is to build a good friendship kasi doon magsisimula ‘yun,” paliwanag ni Julia.

May pag-asa kaya sa dalaga ang aktor kung sakaling ligawan siya nito? “I think time will tell naman. Ang hirap sagutin niyan lalo na kung you’re not in that situation yet. Iba-iba ang priorities namin as we speak. Love will come, we don’t know when that will come,” sagot ng aktres.

Vice gustong maka-loveteam si JL

May bulung-bulungan na posible umanong magkasama sa isang pelikula sina John Lloyd Cruz at Vice Ganda. Ayon sa komedyante ay napag-usapan na rin nila ng aktor ang tungkol dito. “Siyempre wala na ‘yung nanay ko, ‘di ba? Wala na si Direk Wenn (Deramas), so sabi ko sana Direk Cathy (Garcia-Molina) naman ako ngayon. Sabi ko talaga, ‘Sana ma-handle ako ni Cathy Garcia.’ Gusto ko magka-movie kay Direk Cathy na kasama si John Lloyd Cruz,” pagbabahagi ni Vice. “Kasi no’ng nawala si Direk Wenn, pinanghinaan ako ng loob. Pero sabi ko kung ang kasama ko naman ay Cathy Garcia and John Lloyd, lalakas ulit ang loob ko,” dagdag pa ng Unkabogable Star.

Kamakailan ay nabanggit ni John Lloyd sa isang pahayag na gusto niyang makasama si Vice sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya.

Samantala, bukod na napababalitang pelikulang pagsasamahan nina Vice at John Lloyd ay isang pelikula pa raw ang muling gagawin ng komedyante kasama si Daniel Padilla. “Nag-Barcelona kasi siya kaya hindi nag-swak ang schedule. Pero sana matuloy talaga,” giit pa ng komedyante.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with