^

PSN Showbiz

Nagpa-Botox pa ganda ni Cristalle nung kasal, gawang Belo!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Nagpa-Botox pa ganda ni Cristalle nung kasal, gawang Belo!

Cristalle at Justin

Kahit ilang buwan nang tapos, pinag-uusapan pa rin hanggang ngayon ang kasal ni Cristalle Belo sa mister niya na ngayong si Justin Pitt.

Bukod kasi sa magandang lugar ng Lake Como, Italy na pinagkasalan, lutang na lutang ang ganda ng unica hija ni Dr. Vicki Belo sa kanyang most special day, na true embodiment ng isang Belo Bride.

Sa kanyang pinaka-special na araw sa buhay, ang simula ng forever nila ng hotelier na si Justin Pitt sa napakagandang lugar na Villa Erba sa Lake Como, lutang na lutang ang kakaibang ningning sa mata ng bride sa suot na pangkasal. Gawa ang nasabing wedding gown ng designer from Israel na si Inbal Dror na inorder pa umano ni Cristalle bago pa nagsuot si Beyoncé ng gawa rin nang nasabing designer sa Grammy’s.

Umabot sa 100 ang mga bisita na sumaksi sa kasalan na mula pa sa iba’t ibang bansa sa tinutu­ring na wedding of the year.

Sa tulong ng kanyang glam team, na-achieve ni Cristalle ang perfect look sa kasal nila ni Justin – si Gela Laurel ang make-up artist; si Brent Sales ang responsible sa kanyang flowing beautiful hair.

Sa pre-wedding welcome dinner, namangha naman ang lahat sa outfit ni Cristalle na gawa ng sikat na Vania Romoff of YSL.

Ang lahat naman ng mga pangyayari ay documented ng US-based photographer na si Jose Villa (na old film negatives ang ginamit for the entire event, yup hindi digital) and videographer Bob Nicolas.

Kaya sa mga ikakasal diyan, kailangan n’yong bumisita sa Belo Clinic para magkaroon ng line of services nila na kailangan ninyo bago mag-martsa sa simbahan.

Ilang buwang naghanda si Cristalle at kasama sa mga treatment niya ang Glycopeel cleaning ang Powerpeel para maging flawless and blemish-free ang mukha niya.

Dumaan din siya sa Exilis and Venus freeze at V Contour for a well-defined facial contour.

Para sa wrinkles at nang masigurong nagmukhang mas bata, nagpa-Botox pa siya.

At para makumpleto ang bridal makeover at mawala ang unwanted hair, she had the Belo Laser Hair Removal and Body Scrub for her youthful skin on her big day.

Kaya sa mga nagpa-planong pakasal, punta na sa Belo. Ngayon pa naman lahat ng anggulo dapat maganda dahil lahat ng tao may camera na minsan hindi mo namamalayan pini-picturan ka na pala.

Saka sino bang babae ang hindi na­ngangarap gumanda sa kasal. Malaking tulong ang Belo para ma-achieve n’yo ‘yun.

Anderson Cooper at Mark

Mark tsika-tsika kay Anderson Cooper

Ang bongga ni Mark Bautista. Kahapon ay sunud-sunod ang post niya sa Instagram nang pagbisita niya sa sikat na CNN Anchor na si Anderson Cooper. Una niyang ipinakita ang pass niya as CNN guest. Nag-iikot din siya sa studio ng CNN at ang caption niya “quietly taking a quick video – Donald Trump Live.”

Sunod niyang photo ay kasama na niya ang host ng Anderson Cooper 360. “I don’t care what other people say but I have so much respect for this man. Talk about wisdom, thank you for all the advise. #NoHate #LoveisLoveisLove” sabi ni Mark na parang tsika-tsika na nga sila ni Anderson na kilala ng maraming Pinoy dahil sa coverage noon ng super bagyo sa Tacloban.
At may solo video pa si Mark ni Anderson sa opisina nito. “Books and life lessons. #CNNOffice,” sabi pa ng singer.

Nag-aaral si Mark sa New York Film Academy. Ang kuwento niya nung September, sa turnover ng chairmanship ng MARE Foundation ni Senator and Dra. Loi Estrada kay Jackie Ejercito na sinaksihan ni Manila Mayor Erap Estrada, nabanggit ni Mark na isang buwan siya doon. That was September 8, aalis daw siya ng October.

Obviously nag-enjoy si Mark kaya andun pa siya.

Video production program ang special course niya sa NYFA.

Bago lumipad pa-New York si Mark, hindi gaanong visible si Mark dahil wala siyang contract sa GMA at ABS-CBN. Pero nabanggit niya na gusto na uli niyang magkapa-active.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with