^

PSN Showbiz

Nora wala nang paki sa mga award

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Nora wala nang paki sa mga award

Nora

Hindi kaya muling magtagumpay si Nora Aunor na maulit ang kanyang tagumpay sa MMFF dahil mayroon na naman siyang movie na kasali, ang Kabisera na tungkol sa isang pamilyang inabot ng trahedya. Hindi isa kundi pitong ulit nang napipiling Best Actress ang Superstar sa mga pelikula niyang nakukuhang entry sa taunang pagdaraos ng kapistahan ng pelikulang Pilipino. 

Ganito kaaga ay sinasabi nang makapag-uuwi muli siya ng tropeo. Pero si Nora na mismo ang nakikiusap na hindi ang pana­nalo niya ang gusto niyang mapagtuunan ng pansin kundi ang pagsalta sa industriya ng napakaraming kabataang artista na may talento. Very open at willing si Nora na suportahan sila at ma­tulungan sa anumang paraan na makakaya niya. Wala siyang pagdaramdam kung maraming beses na siyang tinatalo ng mga baguhan, ang importante ay meron nang lumilitaw na magagaling na batang artista.

Ronnie magpapaka-singer din!

Dapat ay ma-insecure si Ronnie Alonte sa ibang miyembro ng #Hashtags da­hil bukod sa naunahan nila siyang maging pamilyar sa fans, sila ang naunang mabigyan ng assignment at mayron agad silang mga ibini-build up na ka-loveteam. Meron din namang inili-link kay Ronnie, ang talented ding si Sue Ramirez, pero more sa personal nilang buhay ay tila nade-develop ang dalawa kaysa para sa kanilang mga karera. Pero siguro ay nakatalagang sumikat ang family’s favorite child o marahil bukod sa magaling siyang sumayaw at kumanta ay  mayroon siyang talento sa pag-arte. Isa siya sa tatlong bida ng movie ng Star Cinema na nakapasok sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2016. Ito ang Vince and Kath and James kasama sina Joshua Garcia at Julia Barretto. Kung hindi marahil kasing bata niya at kasing baguhang artista sina Joshua at Julia ay baka na-insecure na siya. Sa halip ay tinanggap niyang isang malaking hamon. Kailangang ma­patunayan niyang kaya niyang makipagsabayan sa dalawa.

Dalawa ang kanyang pelikula sa MMFF 2016, ang isa pa ay ang all out indie film na Seklus­yon dahil sa tema nito at sa pag-atake na ginawa rito  ni direk Erik Matti. Magkaibang-magkaiba ang tema ng dalawa niyang pelilula kung saan ay mamamalas ang ma­la­wak niyang akting. Ang Seklus­yon ay makakasali sa maraming film festivals abroad.

Alam ng lahat na mahusay na dancer si Ronnie. Nagkaroon na sila ng tsansa na maipamalas ito sa isang dance concert na ginawa ng #Hashtags. Everyone wonders kung ano pa ang maipakikita ni Ronnie sa ginawa niyang pagdaraos ng solo concert sa December 17. Pero mayroon pala, kumakanta siya at ito naman ang ipagyayabang niya sa mga manonood.

Mga anak nina Pops-Martin at Dolphy-Zsa Zsa nagkainlaban!

May romansa pala sina Robin Nievera at Zia Quizon. Akalain mo ‘yun,  kapag nagtuluy-tuloy sila ay ma­ka­gagawa sila ng third generation of showbiz families. Panganay nina Pops Fernandez at Martin Nievera si Robin at anak ni King of Comedy Dolphy at Divine Diva Zsa Zsa Padilla si Zia. Parehong singer ang dalawa kaya hindi nakapagtataka kung magkakilala sila’t magkaibigan.

Julia biglang habol kay Coco

Biglang naging open si Julia Montes sa posibilidad na makatrabaho si Coco Martin. Dati kasi ay dedma siya sa Primetime King kahit pa madalas ang pagli-link sa kanila. Nagka-interes tuloy ang mga bossing ng ABS-CBN na pagtambalin sina Coco at Liza Soberano na madaling inayunan ng dalawa at walang pag-iingay na narinig mula sa fans ng batang aktres at sa ka-loveteam niyang si Enrique Gil.

Dahil na rin siguro tanggap nila na walang threat na manggagaling mula kay Coco at safe ang tambalan kahit magtagumpay pa ang proyektong pagsasamahan ng dalawa.

Megan nasasapawan na ni Andrea

Mukhang nasapawan na ni Andrea Torres si Megan Young bilang kapareha ni Dingdong Dantes sa Alyas Robin Hood. Nawawala na sa eksena ang dating Miss World dahil sa pag-aakala nitong patay na ang boyfriend niya samantalang nakuha na ng character ni Andrea ang lahat ng pagkakataon para mas mapalapit sa bayaning gumagamit ng pana. Paano pa mababawi ni Megan si Dingdong sa napakamatulungin at napakaseksing sidekick nito?

Samantala, hindi magkakaayos ang mag-asa­wang Kristoffer Martin at Joyce Ching sa pagtatagpong muli nina Eula Valdez at Snooky Serna sa Hahamakin ang Lahat, lalo na kapag nabatid ni Snooky na hindi niya apo ang nasa sinapupunan ng babaeng tinatangka niyang matanggap bilang manugang.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with