^

PSN Showbiz

Paolo nagsalita na sa bintang na alcoholic

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon
Paolo nagsalita na sa bintang na alcoholic

Paolo Ballesteros

PIK: Nagpadala ng statement ang direktor ng pelikulang Bubog na si Arlyn dela Cruz sa kanyang Facebook account kaugnay sa pag-ban sa kanya ng PAMI kasama si Baron Geisler.

Binanggit ni direk Arlyn na wala man lang daw nag-imbestiga mula sa mga taga-PAMI o kahit kumausap o nagtanong sa kanyang staff. Pero nagpapasalamat pa rin siya sa mga naniniwala at ilang aktor na sumuporta sa kanya.

Bahagi ng kanyang pahayag, “I thank a number of talent managers who have assured me they will continue to trust me with their talents, I will not mention their names. Thank you, thank you, as well as to two other veteran actors who sent word, they want to work with me in my next projects. I am truly grateful.”

Ang kapatid pala ni Ping Medina na si Karl ang ipinalit sa role na hindi na itinuloy ng una.

PAK: Humirit ang FAMAS Best Actress na si Andi Eigenmann sa kanyang Instagram account na puwede naman daw ihabilin ni Robin Padilla sa ilang aktres ang paggawa ng action at hindi lang kina Coco Martin at Dingdong Dantes.

Sabi nito sa mahaba niyang emote sa kanyang IG account, “Idol, Sir Robin Padilla, congrats po sa natanggap niyong FPJ Memorial Award kagabi. Gusto ko lang ho sanang ipahabol na hindi lang po mga ginoo ang nangangarap ipagpatuloy ang pamana ng ating Hari sa aksyon, may mga babae rin hong katulad ko hehe!”

BOOM: Ayaw gamitin ni Paolo Ballesteros ang salitang suspension kundi bakasyon daw ang ginawa niya sa Eat Bulaga kaya nakagawa siya ng tatlong pelikula at isa nga rito ang Die Beautiful na ina­abangan sa darating na Metro Manila Film Festival (MMFF).

Sa presscon nito na ginanap sa Valencia Events kamakalawa ng gabi, sinagot ni Paolo ang ilang isyung may kaugnayan sa pagbabakasyon niya sa Eat Bulaga ng anim na buwan. Itinatanggi niyang alcoholic siya, pero inamin niyang napapainom siya minsan sa Kalyeserye ng Eat Bulaga. Paliwanag ng aktor, madalas daw kasi ay nasa barangay sila nakapuwesto kapag nasa Kalyeserye sila.

Open naman daw sila roon sa mga tao sa barangay na minsan ay nakukurot pa sila at ang ilan ay nadadaanan nilang nag-iinuman at napapatagay sila.

“Alam mo naman tayong mga Pilipino tanghali pa lang umiinom na.

“Hindi mo maiwasan ‘yun eh, na o shot, kasi nagkakatuwaan ang mga tao sa barangay, halimbawa may birthday ganyan. So, ano ang gagawin mo ‘di ba?

“I know naman that I’m responsible person, and what I have said I’ve been in Eat Bulaga for 16 years, I know kung hanggang saan lang…na siyem­pre hindi naman ako makipagdyinuman na malalasing ako ‘di ba na hindi na ako mapag-perform on TV, bawal talaga ‘yun,” dagdag niyang pahayag.

“Of course not!” mabilis niyang sagot nang tanungin namin kung to­too ba ‘yung napapag-usapang alcoholic siya.

“May kilala akong alcoholic, dead na siya ngayon,” sabi pa nito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with