^

PSN Showbiz

Maja naunahan pa ng nanay na pakasal!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Maja naunahan pa ng nanay na pakasal!

Maja

Ikakasal pala ang mother ni Maja Salvador, kaya nakipag-meeting sila kay Gideon Hermosa. Sa nakita naming picture sa Instagram (IG), foreigner ang mapapangasawa ni mommy Thelma. Malinaw ‘yan ha, ang mommy ni Maja ang ikakasal at hindi siya.

May nagtanong kay Maja kung kailan naman siya magkakaroon ng love life at magkaka-boyfriend pero wala pang sagot ang aktres na busy sa kanyang career. Nali-link siya kay John Lloyd Cruz.

Aktor milyun-milyon ang gastos sa anak na may sclerosis!

Mabuti at kinorek ng aktres ang kanyang fans sa post na may cancer ang anak ng isang aktor na nagkaisyu sa kanya. Inisip ng mga nakabasa sa post na hahayaan nitong magsulat ng maling impormasyon ang kanyang fan.

Nabasa namin nang i-post ng aktres na hindi cancer ang sakit ng anak ng aktor pero hindi na nito sinabi kung ano. Ewan kung saan naman galing ang impormasyon ng fan na kung magsulat ay parang siguradung-sigurado kung ano ang karamdaman ng anak ng aktor na nadamay sa isyu.

Ang layo ng cancer sa Multiple Sclerosis na siyang sakit ng anak ng aktor at rason kung bakit pumayat ito at halos nasa wheelchair na lang. Ang mahal ng treatment ng nasabing sakit at wala nga yatang gamot para rito. Thankful ang aktor at pamilya nito na patuloy nilang naipagagamot ang anak. Tantiya ng isang kakilala, milyun-milyon na ang nagastos ng aktor, kaya sa halip na magkalat ng maling balita, dapat ay ipagdasal ang anak ng aktor.

Jean at Jomari gusto pang ilihim ang relasyon

Laging dinudumog ang mall show ng cast ng Mano Po 7: Chinoy. Kahit saang mall magpunta ang cast ay kitang-kitang kinikilig ang mga tao sa tambalan nina Janella Salvador at Marlo Mortel. Marami rin ang looking forward na mapanood sa screen ang unang pagsasama sa pelikula nina Jean Garcia at Richard Yap. Sa December 14 na ang showing ng Mano Po 7 at sa Dec. 9 naman ang parade sa SM Megamall mula sa Fashion Hall hanggang sa sinehan kung saan gaganapin ang premiere night.

Samantala, naalala na­ming sinabi ni Jean sa presscon ng Mano Po 7 na two years na siyang walang boyfriend at nagkikipag-date lang. Kung ganu’n ano kaya ang nakita ng ilang reporters na naglalakad sila ni Jomari Yllana sa Solaire na magka-holding hands? Nang makita raw na may TV reporter, biglang kinalas ng dalawa ang kanilang mga kamay. May something ba sa dalawa na naging close sa soap na The Half Sisters?

Inah pumiyok sa relasyon nila ni Jake!

First time ni Inah de Belen na magkaroon ng movie sa Metro Manila Film Festival (MMFF), kaya masaya at excited ito. Kasama siya sa cast ng Die Beautiful bilang anak ni Trishia na ginagampanan ni Paolo Ballesteros

Gaya ng sa ibang cast, wish ni Inah na panoorin ang Die Beautiful na magbubukas daw sa isip ng mga tao, lalo na ‘yung mga homophobic. Maa-appreciate rin daw ang story sa direction ni Jun Lana.

Samantala, nakita naming nag-blush si Inah nang matanong tungkol sa status nila ni Jake Vargas. Kahit tapos na ang Oh, My Mama! tuloy pa rin ang tsika sa kanila at sabi ng isang source, may Mutual Understanding o MU na raw sila. “Oh, My God! I don’t know what to answer. Siya dapat ang tanungin n’yo. Ang masasabi ko lang, we’re very close and we are enjoying each other’s company and we are getting to know each other more. He’s a very, very nice guy, napaka-gentleman at walang bahid ng kayabangan sa katawan,” sagot ni Inah.

Batay sa sagot ni Inah, parang “yes” ang sagot nito sa tanong namin kung nagkakamabutihan na sila ni Jake.

Drew at Iya tuloy ang bonding sa TV

Magsasama pala sa isang show ng GMA-7 ang mag-asawang Drew Arellano at Iya Villania. May nagtsika sa amin na nag-pictorial na ang dalawa para sa ihu-host na game show.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with