^

PSN Showbiz

Female performer parang diring-diri sa mga kamag-anak

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Maraming nagtatanungan, bakit kaya malayo ang loob ng kanyang mga kamag-anak sa isang kilalang female performer, sino kaya sa kanila ang may pagkukulang?

Mula sa isang kilalang pamilya ang babaeng performer, nagsasalita ang kanilang apelyido sa isang progresibong probinsiya sa bandang South, pero bakit kaya hindi siya close sa kanyang angkan?

Sa isang malaking party ay dumalo ang kanyang mga kamag-anak, alam ‘yun ng mga nasa party, tinanong ng mga nandu’n ang grupo kung nagkikita ba sila ni ____(pangalan ng pamosong female performer)?

Kuwento ng aming source, “Naku, para silang nag-usap-usap ng isasagot kahit hindi naman! Sabay-sabay silang umiling nang napakalakas! Na para bang ayaw nilang ma-associate sa kamag-anak nilang sikat.

“Parang kulang na lang na sabihin nilang next question, please! Ganu’n na ganu’n! Talagang hindi siya type ng mga kadugo niya, ayaw!”

Mula pala nang magkapangalan ang female personality ay hindi pa siya nakakasamang uli ng kanyang angkan. Nagkakaroon ng reunion ang buong pamilya, iniimbitahan naman siya, pero hindi siya dumarating.

“Ewan kung bakit idinistansiya niya ang sarili niya sa mga kamag-anak niya. Ewan kung ano’ng issue meron ang angkan niya. Pero dati naman pala, e, magkaka-close sila.

“Nu’ng hindi pa siya masyadong kilala, e, uma-attend pa siya ng reunion, may time siya para dumalaw sa mga kadugo niya, kaya anyare? Bakit bigla na siyang dumistansiya?” sundot na kuwento pa ng aming impormante.

Kunsabagay, sa madalang lang naman niyang pagtanggap ng mga serye ay nahihirapan ding makisama sa kanya ang production staff, kinukuwestiyon kasi niya ang script, pati ang mga ipinagagawa sa kanya ng direktor.

“Kaya nga ang tanungan ng marami, e, nasaan ba talaga ang problema at masyado siyang umiiwas sa mga kadugo niya. Nasaan ba talaga, du’n ba o dito ba?” napapailing na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Wala nang sinisino Mocha masyado nang matapang 

Masyado nang lumalalim ang partisipasyon ni Mocha Uson sa mundo ng pulitika. Walang masama sa pagiging die hard Duterte supporter niya, kalayaan niya ‘yun, pero sana’y mag-ingat-ingat naman siya sa pagpapakawala ng mga salita.

Marami na siyang nakakaaway nang dahil sa pagiging vocal niya sa paglalabas ng kanyang saloobin, inaagahan, pananghalian at hapunan na niya ang galit ng mga kababayan nating hindi sumasang-ayon sa kanyang mga opinyon, baka naman nakakalimutan na ni Mocha ang tunay niyang propesyon bilang singer-performer dahil sa sobra-sobrang panahong ibinibigay at inilalaan niya sa pakikipagbakbakan sa social media?

Sa mainit na isyu ngayon ng pagkawala sa gabinete ni VP Leni Robredo, ke nagbitiw man ito o pinagbitiw, ay nagpipista na naman si Mocha.

Tinawag niyang traydor ang ikalawang pinakamataas na pinuno ng ating bayan, wala raw naman itong ginagawa kundi ang kontrahin lang ang mga gustong mangyari ni Pangulong Rodrigo Duterte, kaya dapat lang na sipain na sa kanyang posisyon si VP Leni.

Ewan kung saan humuhugot ng lakas ng loob si Mocha Uson sa pakikipag-argumento, lumalalim na siyang masyado, wala na siyang sinisino sa paglalabas ng kanyang mga saloobin at opinyon.

Adik kasi si Mocha, adik na adik na siya sa social media, ine-enjoy niya ang matinding atensiyong nakukuha niya. Kontra man o sumasang-ayon sa kanya ang post ay parang langit na para sa kanya.

Malaya tayong makapagpahayag ng ating nararamdaman, pero kakambal nu’n ang responsibilidad, tayo lang ang puwedeng managot sa kahihinatnan ng ating mga ginagawa at sinasabi—hindi natin maaaring ipanagot ‘yun sa ibang tao.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with