^

PSN Showbiz

Paolo super emote sa career!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Paolo super emote sa career!

Paolo

Napaiyak si Paolo Ballesteros sa grand presscon ng Die Beautiful sa Valencia Events Place noong Lunes dahil touched na touched siya sa videotaped birthday greetings ng mga tao na malalapit sa kanya.

Dahil super-emote si Paolo, hindi na siya nakapagsalita nang hingan ng mensahe para sa lahat ng mga bumati sa kanya. Lately, nagiging emosyonal si Paolo dahil sunod-sunod ang mga magagandang pangyayari sa career niya. Nanalo siya ng Best Actor award sa Tokyo International Film Festival, bongga ang reviews sa Die Beautiful at kinikilala sa buong mundo ang talent niya sa make up transformation.

Naranasan ni Paolo na masuspinde sa Eat Bulaga noong early part ng 2016 pero magaganda pala ang magiging kapa­lit dahil bumongga nang husto ang showbiz career niya. Gumawa siya ng pelikula sa Viva Films at pinapirma ng Regal Entertainment, Inc. ng kontrata.

Naniniwala si Mother Lily Monteverde na magiging big star si Paolo kapag na-handle nito nang maayos at tama ang career.

Kakaiba ang grand presscon ng Die Beautiful dahil nagkaroon muna ng show ang mga gay impersonator mula sa isang sikat na gay bar. Binuhay ng mga baklita ang kontrobersyal na eksena ng coronation night ng Miss Universe noong nakaraang taon.

May-I-spoofed ng mga baklita ang mga eksena nina Steve Harvey, Miss USA Olivia Jordan, Miss Colombia Ariadna Gutierrez, at ang Philippines’ very own Miss Universe Pia Wurtzbach.

Tungkol sa isang baklita na mahilig sumali sa mga gay beauty contest pero madalas na talunan ang kuwento ng Die Beautiful kaya tungkol sa Miss Universe ang production number na ipinalabas ng mgagay impersonator sa presscon ng award-winning movie ni Paolo.

Pinalitan nina Jun Lana at Perci Intalan ang version ng full trailer ng Die Beautiful. Mas nakakatawa ang bagong trailer kaya hit na hit ito sa mga Pinoy. Proud naibinalita ni Perci na more than 2 million na ang views sa entertaining trailer ng pelikula nila na official entry sa 2016 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Parade of Stars gagastusan ni Erap

Si Manila City Mayor Joseph Estrada at ang City of Manila ang major sponsor ng Parade of Stars ng 2016 Metro Manila Film Festival sa December 23. Tuloy na tuloy ang parade ng mga artista, kahit nagkaroon ng tsismis at intriga na tsinugi ang annual parade of stars na taun-taon na inaabangan ng fans.

Pinaghahandaan ni Paolo ang Parade of Stars at ang balita ko, marami ang fa­shion designers na nag-aalok na bihisan siya. Hindi ko lang alam kung sino sa mga nag-offer ang binigyan ni Paolo ng privilege na bihisan siya.

Ngayon pa lang, marami ang nagsasabi na ang Die Beautiful ang potential top grosser sa MMFF 2016 dahil maingay na maingay ang pelikula at malaking tulong ang acting award na napanalunan ni Paolo sa Tokyo.

Iza feeling lucky charm

Umapir si Iza Calzado sa presscon ng Die Beautiful bilang suporta kina Paolo, Jun at Perci. Ang feeling ni Iza, lucky charm siya nina Jun at Perci na nakatrabaho niya sa ibang mga project ng The Idea First Company.

Very challenging ang role ni Iza sa Die Beautiful dahil as herself ang karakter niya.

Bukod kay Iza, may special participation sa Die Beautiful si Eugene Domingo. Co-stars naman ni Paolo sina Lou Veloso, Inah de Belen, Albie Casiño at Joel Torre.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with