^

PSN Showbiz

Pelikulang laglag sa MMFF dasal na kumita ng P700-M Vice ayaw na raw magyabang!

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Pelikulang laglag sa MMFF dasal na kumita ng P700-M Vice ayaw na raw magyabang!

Vice Ganda

MANILA, Philippines – Ayaw nang magmaasim ni Vice Ganda matapos kumita ang The Super Parental Guardians ng P250-M sa loob lang ng limang araw kahit hindi Pasko. At ayaw niya ring ituring na vindication ang pagkakalaglag nila sa Metro Manila Film Festival (MMFF). “Ayoko naman ng vindication, mas gusto ko na lang ‘yung ‘blessing in disguise’, sabi niya the other night sa ipinatawag niyang Thanksgiving presscon.

“Ayoko ring sabihin ‘yan kasi siyempre, ‘to whom much is given, much is required’, ‘di ba? Ayoko namang sa kalagitnaan ng tagumpay na ito, ayoko namang mag-maasim pa, ‘di ba? Wala nang dahilan para umasim at magyabang ka pa. Ngumiti na lang tayo,” dagdag niya kung masasabi nga ba niyang malaking sampal ang panlalaglag sa kanila ng selection committee ng MMFF.

Pero kini-claim nila na maaabot nila ang P700 million na kita kahit hindi pa bakasyon.

“Eh since P250-M na tayo, siguradong maa-achieve na natin ngayon, sigurado na ‘yung 300-M. Sana, mag-P700-M, ‘di ba? Wala namang masamang ma­ngarap. Mangarap na tayo. Ipagdasal natin at i-claim natin na mag-P700-M, wala namang masama doon, ‘di ba? Ipagdasal natin na sana ibigay sa atin ng Diyos,” pahayag ng Unkabogable Star.

Ipinagpapasalamat din niyang kahit hindi MMFF keri niyang magdala ng pelikula.

“At saka dati, ‘di ba, lagi akong binabatuhan ng tsikang ‘salamat filmfest ka’, kung baga, ‘nakiki-ride-on ka lang naman sa popularity ng filmfest kaya malaki ‘yung kinikita ng pelikula mo, kaya ka top grosser kasi nakiki-ride on ka lang sa popularity ng filmfest’. Marami, na laging sinasabi na ‘subukan niyang gumawa ng non-filmfest entry’. Sinasabi ko naman, ‘meron naman ako dating mga non-filmfest entry, ‘yung unang Praybeyt Benjamin ko, non-filmfest. ‘Yung This Guy’s In Love With U Mare, non-filmfest.’

“Pero ito, ang saya-saya ko. Ang suwerte ko, mapalad ako at ‘yung suporta sa akin ng mga tao, hindi siya nagbago. Mas lumakas nga. Mas malala. Ngayon ko na-prove na mas malala ‘yung suporta, kaya sabi ko rin, siguro, I must have done something right para ma-deserve itong blessing na ito. Dahil kung hindi rin naman siguro, hindi rin ipagkakaloob sa atin ng Diyos ‘yung mga bagay na hindi natin deserved,”  pahayag niya.

Samantala, after ng SPG, movie with John Lloyd Cruz daw ang malamang na gawin ni Vice.

Naudlot ang sana’y pelikula nila ni Daniel Padilla dahil nauna na nga raw tinapos ni Daniel ang Barcelona: A Love Untold with Kathryn Bernardo.

Eugene

Tatlong pelikula sa MMFF, naka-A

Graded A ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang tatlo sa walong pelikulang official entries sa gaganaping Metro Manila Film Festival 2016.

Kabilang sa tatlo ang Ang Babae sa Septik Tank 2: Forever Is Not Enough (Eugene Domingo), Sunday Beauty Queen (real OFWs sa HK) and  Saving Sally (Rhian Ramos).

Pawang indie ang tatlong pelikula pero kakaiba ang kuwento nito at very educational.

Hoping ang lahat na susuportahan din ng manonood ang nasabing pelikula kahit hindi nakasanayang panoorin tuwing Pasko.

Sunday Beauty Queen

Paolo type si Piolo

Si Piolo Pascual pala ang type ni Paolo Ballesteros. ‘Yan ay kung totoo raw na beki siya.

Matagal na niyang kilala ang actor dahil pareho sila dati ng manager.

“Matagal ko nang kilala si Piolo. Pero hindi niya alam na type ko siya!” sabay tawa ni Paolo nang matanong siya the other night sa presscon ng Die Beautiful.

“Wala namang masama na humanga ka, ‘di ba? Mga malisyoso!” tawa pa ng bida sa isa sa pelikulang kasali sa Metro Manila Film Festival 2016.

Nag-i-expect ba siya na mananalo rin ng award dito sa atin after niyang maiuwi ang Best Actor trophy sa Tokyo International Film Festival kung saan idineklara ring Audience Choice ang pinagbibidahan niyang pelikula?

Hoping pero hindi naman daw nag-i-expect ang Eat Bulaga host.

“Siguro good feeling lamang kung mananalo ako.  Pero hindi ako nag-i-expect, I’m just hopeful.”

Aminado naman si Direk Jun Lana na may ilang eksena silang binago sa pelikula para mas marami ang makapanood.

Pero bakit may rumor na may tinanggal sila at iba na ito sa napanood sa TFF at Toronto International Film Festival? “Hindi naman namin tinanggal, may binago lamang kami ng konti, Nag-tone down lang kami sa ilang eksena.

“Ginawa namin ito dahil gusto naming mapanood ito lahat ng mga kababayan natin. Gusto naming magpasaya, ayaw naming lumabas ang mga tao sa sinehan na magpapakamatay na sila sa napanood nila,” paliwanag ni Direk Jun.

Anyway, isa ang Die Beautiful sa may ingay sa pelikulang kasali sa MMFF 2016.                                                                                  

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with