^

PSN Showbiz

Paolo may alas sa pagkalalaki

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Paolo may alas sa pagkalalaki

Paolo Balles­teros at Keira Claire

Nagiging malaking tulong naman kay Paolo Balles­teros na mayroon na siyang 9-year-old daughter na nag­ngangalang Keira Claire na kasama ng kanyang inang naninirahan sa US. Close ang mag-ama sa kabila ng kanilang pagkakalayo. Bago nakasama ng bata ang kanyang ina sa abroad ay nasa poder ito ni Paolo. Nakikita na ng kanyang anak noon pa man na nagdadamit babae at nagmi-make-up ang kanyang ama dahil sa trabaho. Si Paolo rin ang nag-aayos sa kanya kapag may school activities ito sa eskwela.

Sa pagiging mag-ama nila ay nababawasan nang malaki ang paniniwala ng marami ang kuwestyonableng kasarian ng talentadong Dabarkads. Umuuwi rito ang bata at dumadalaw sa kanyang ama. Nagkikita rin sila kapag may palabas si Paolo sa US. 

Proud ang bata sa mga recent achievements ng kanyang ama. Buti na lamang at hindi niya mapapanood ang Die Beautuful dahil himihingi ito ng tamang edad sa mga manonood ng pelikula. Baka magulat siya sa love scene ni Paolo na may kapareha ring lalaki. 

Baron mahihirapan nang rumaket!

Banned si Baron Geisler sa paggawa ng mga pelikula na kasama ang mga alaga ng PAMI members. Pagbibigay ito sa kahilingan ng mga taong namamahala ng karera ng mga artista na huwag makipagtrabaho sa kanya. Hindi man siya na-ban sa paggawa ng pelikula, kung wala namang artista na papayag makipagtrabaho sa kanya, parang ganun na rin ‘yun.

Pero paano na si Arlyn dela Cruz, direktor ng pelikula? May dapat ba siyang ipagdusa sa mga kaganapan? Katulad nang sinasabi niya, wala ang mga nagbigay sa kanya ng judgment sa pinangyarihan ng “krimen”. Pero bakit hindi niya klinaro sa kanila ang tunay na pangya­yari? Tatanggap naman siguro sila ng katwiran kung mayron siyang ibibigay.

Sunshine kinarir ang balik-alindog

Nakapagtataka namang marami ang nagugulat sa pagganda ng physical appearance ni Sunshine Dizon. Akala tuloy ng marami ay gusto lang maakit muli ng aktres ang kanyang nakahiwalayang asawa. Siyempre itinanggi ito ng aktres at nagsabing nakasabay lamang sa paghihiwalay nila ang pagkakaron niya ng consciousness at concern sa kanyang hitsura.

Tanungin nila ang maraming bagong ina at may mga lumalaking mga anak na nagpapaganda talaga sila para magkaroon ng assurance na attractive pa rin sila at hindi ma-insecure sa pagiging nanay nila. Maiiba pa ba si Sunshine, eh artista siya?

Karylle susubukang ibalik ang Manila Sound

May pinagkakaabalahan pala si Karylle maliban sa paghu-host niya sa It’s Showtime. Ito ay isang dance musical na magbabalik ng Manila Sound simu­la sa December 11 sa main theater ng CCP.

Makakasama ni Karylle sa palabas na may pa­magat na Awitin Mo at Isasayaw Ko sina Markki Stroem, Michael Pangilinan, at Sandino Martin.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with