^

PSN Showbiz

Showbiz couple na matagal nang hiwalay, hindi mabuko-buko ng mga kaibigan at fans

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Kung iisipin ay napakahirap din ng sitwasyon ng isang showbiz couple na hiwalay na, tapos na ang istorya ng kanilang pagmamahalan, pero kailangan pa rin nilang magsama sa isang bubong.

Ang karaniwang set-up ng mga naghihiwalay ay ang lalaki o ang babae ang aalis, pero kaiba ang nagaganap sa mag-asawang ito, walang umalis sa kanilang bahay pero magkahiwalay naman ang kanilang tulugan.

Pero walang kahit sinong nakikialam sa kanilang sitwasyon, bunga ‘yun ng maganda nilang pakikisama sa kanilang mga katrabaho, alam ng marami ang nangyayari sa kanilang relasyon pero tanggap ‘yun ng kanilang mga kaibigan at kapwa artsita.

Pinayuhan kasi ng kanyang ina ang babaeng personalidad na huwag aalis sa kanilang bahay. Kapag umalis daw kasi ay wala na itong babalikan. Pabayaan lang daw ng babae ang kanyang mister na makapag-isip na humiwalay ng tirahan.

Pero hindi ‘yun nangyari, nasa kanilang bahay pa rin ang male personality, nakatira pa rin sila sa isang bahay pero hiwalay na nga lang ang kanilang kuwarto.

Magaling magdala ng problema ang mag-asawang artista, hindi nila ginagawang palengke ang kanilang sitwasyon, kaya naman nirerespeto rin sila sa industriya.

Sabi ng isang source na nakausap namin, “Sana, tumulad sa kanila ang mga kasamahan nilang artista. ‘Yung mag-iiwan sila ng part ng buhay nila na para sa kanila lang at hindi kasali ang publiko.

“Gumugulo kasi ang sitwasyon kapag marami nang nanghihimasok. Like this couple, hindi nila pinayagang maging palengke ang buhay nila. Masasaya ang mga anak nila, bukas ang isip, nagkakaintindihan sila.

“May maniniwala bang ilang taon na silang hiwalay ng tulugan? ‘Yun mismo ang sitwasyon nila, wala na silang pakialaman, pero lumabas ba ‘yun?” komento ng aming source.

Ubos!

Bintang ni Baron na rapist si Ping ayaw nang pansinin

Anumang bintang ang ipukol ngayon ni Baron Geisler laban kay Ping Medina ay mawawalan na ng saysay. Magiging depensa na lang ‘yun dahil nagbaba na ng opisyal na resolusyon ang PAMI laban sa kanya at sa kanyang direktor.

May pinalulutang ngayon si Baron na rapist daw si Ping Medina, may hawak daw siyang ebidensiya tungkol du’n at handa raw siyang maging witness, kulong diumano ang aabutin ni Ping kapag nagkataon.

Ang isyu ay ang ginawa niyang pang-iihi kay Ping, hindi ang kung anumang kuwento ng nakaraan nitong buhay, ang kailangang harapin ni Baron ay ang ginawa niyang kabastusan at hindi ang sinasabi niyang puwedeng gamitin laban kay Ping.

Kung totoong rapist si Ping ay pabayaan niyang sumigaw ang pinagsamantalahan. Hindi para sa kanya ang magkalat ng balita dahil anumang sabihin niya ngayon laban kay Ping Medina ay magiging paninira na lang.

Wala nang makikinig sa kanya, “the boy who cried wolf” pa rin ang magiging imahe niya, mas magandang harapin niya na lang ngayon ang kanyang personal na problema para mabilis na ma-lift ang inilabas na pagbabawal ng mga opisyales at miyembro ng PAMI na makatrabaho siya ng mga alagang artista ng mga ito.

Tama na ang pangdadamay, mas lalalim lang ang kuwento kung ibabalikwas niya kay Ping ang isang istoryang wala namang kinalaman sa kanyang pang-iihi, ‘yun ang isyu at hindi ang diumano’y pangre-rape nu’n ni Ping.

Siya na rin ang nagsabi na aasikasuhin niya na lang ngayon ang maysakit niyang ina. Dalawang buwan na raw sa ICU ngayon ang mommy niya.

‘Yun ang pinakamabisang gamot na magpapalakas sa kanyang ina, kapag naramdaman na nito ang kanyang pagbabago ay magaganap ang isang milagro, mahirap ipaliwanag pero nangyayari ang ganu’n.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with