^

PSN Showbiz

Kaye peperahan lang daw ang mapapangasawa

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Kaye peperahan lang daw ang mapapangasawa

Kaye Abad

Ngayong December na ang kasal nina Paul Jake Castillo at Kaye Abad, pero wala pang lu­malabas na petsa kung kailan ito magaganap. Ang balita lang ay sa Cebu ang wedding na tila gagawin sa Cebu Metropolitan Cathedral.

Sa gitna ng paghahanda ng dalawa ay may nega comments na sinagot ang mga ikakasal. Sabi kasi ng isang basher, kaya sa Cebu ang wedding dahil big name ang family nina Paul Jake sa Cebu, ibig sabihin, mayaman. Nakabingwit daw ng mala­king isda ang aktres. ‘Yun din ang nakitang rason ng basher kung bakit very open daw si Kaye sa relasyon nila ni Paul Jake.

Napa-comment tuloy si Kaye ng, “Jackpot dba? Parang nanalo sa lotto!” at nag-comment din si Paul Jake ng, “Hahaha! So ngayon idea lang ako!!! I’m not a fish!! And it’s not coz of who’s name why the wedding is in Cebu. We both decided sa Cebu gawin. Chosera. Hehehe.”

Obviously, hindi alam ng basher na mayaman din sina Kaye, kaya inisip na pera lang ni Paul Jake ang habol nito. Kung nag-research ang basher, malalaman niya sana ang estado ng buhay nina Kaye.

Magre-relocate sa Cebu si Kaye after ng wedding nila ni Paul Jake, pero hindi raw nito iiwan ang showbiz.

Gabby never daw nagkaroon ng kabit

Para kay director Laurice Guillen, isa si Gabby Concepcion sa mga artista na magaan katrabaho, very professional dahil never siyang binitin sa mga pelikulang ginawa nila. Masarap din daw itong i-close up dahil guwapo at sabi nga ng mga nakakakita sa aktor, parang hindi nagkaedad.

Ayon pa kay direk Laurice, mas okay katrabaho si Gabby ngayon dahil mas may self-confidence siya at mararamdaman daw ito ng manonood sa Afternoon Prime ng GMA-7 na Ika-6 Na Utos. Kering-keri nito ang role at karakter na si Rome, isang piloto na nakadalawang asawa at nang muling magkaasawa ay kumuha pa ng kabit.

Pero sabi ni Gabby, wala pa siyang experience sa pagkakaroon ng mistress, sinunod lang niya ang nasa script. One at a time raw siyang magmahal. Mamaya, pagkatapos ng Eat Bulaga ang airing ng serye.

Lovi at Tom walang tulugan sa taping

Na-post ni Lovi Poe na two days nang tuluy-tuloy ang taping nila ng Someone To Watch Over Me, pero wala siyang reklamo. Hanggang January 6, 2017 na lang ang teleserye at malapit nang tumigil sa pag-iyak ang viewers.

Kailangang tapusin ni director Maryo J. Delos Reyes ang taping ng STWOM dahil aalis si Tom sa December 22 para sa piling ng parents niya sa Amerika mag-Christmas at New Year. Halos araw-araw na raw ang taping ng cast dahil after New Year na ang balik sa bansa ni Tom.

Nabalitaan namin na hindi makakasama si Carla Abellana kay Tom sa pagbisita sa parents ng aktor dahil may mga commitment ang aktres. Pero malay natin at sumunod si Carla sa boyfriend para masaya ang Kapaskuhan nila.

 Arlyn one liner lang ang reaction

Sa mga nabasa naming reactions, hindi lahat pabor na pati si director Arlyn dela Cruz ay isama sa pagba-ban ng the Professional Artist Managers Inc. (PAMI). May ilang taga-showbiz na hindi pumabor sa desisyon ng PAMI na ‘wag payagan ang talents nila na tumanggap ng project ‘pag si Arlyn ang director.

Napatanong tuloy kami kung sino ang managers nina Julio Diaz at Jackielou Blanco dahil sila ang bagong cast ng controversial movie na Bubog? May pinost din si direk Arlyn na picture ni Jak Roberto na magbibida raw sa bago niyang movie. Obviously, hindi member ng PAMI ang manager ng aktor dahil baka magkaproblema kung susundin ang desisyon ng PAMI.

Anyway, reaction kaya ni direk Arlyn sa desisyon ng PAMI ang post nito sa FB na, “One lines statement: “You weren’t there.”

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with