^

PSN Showbiz

Paolo sa India naman rarampa

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

May pagbubuhusan na naman ng pag-asa ang Dabarkads na si Paolo Ballesteros sa pagkakasali ng pelikula niyang Die Beautiful sa 21st International Film Festival of Kerala (FFK) sa India.

Matatandaan na bago ito, ay nakuha ni Paolo ang Best Actor Award sa 29th Tokyo International Film Festival (TIFF).  Ang pelikula niya ang nag-iisang pelikulang Pinoy na lalaban against 14 other films from around the world.

Marian hindi dapat paapekto sa pagpapasuso in public

Kailangan bang paapekto ni Marian Rivera sa maraming hindi sang-ayon sa ginawa niyang pagpapadede ng anak in public? It’s as if ibinuyangyang na lamang niya ang kanyang boobs nang walang kadahilanan at para manghikayat sa maraming ina na mag-breastfeed din ng kanilang mga anak.

Hindi naman niya hinayaang completely exposed ang kanyang breast. May takip naman ang kanyang breast kung saan dumede si Zia.

Liza inaabangan kung may chemistry kay Coco

Magawa kayang pagalitan ng televiewers si Coco Martin kapag natuloy ang planong pagtatambal sa kanila ni Liza Soberano? Sigurado namang ang maapektuhan lamang nito ay ang mga tagasubaybay ng LizQuen nina Liza at Enrique Gil at maging ang mga sumusubaybay sa dalawa individually.

Siyempre, gugustuhin nilang malaman kung magkakaroon ba ng chemistry ang dalawa na sapat para madala ang proyekto na gagawin nila sa tagumpay o talagang tali na si Liza sa loveteam nila ni Enrique.

Sharon at Jona magtutunog-bata

Kahit abala sa promosyon ng kanyang single na Oo Nga Pala at pag-iikot sa mga bar, abala rin si Marion Aunor sa paggawa ng mga kanta. Dalawa sa composition niya ay gagamitin ni Sharon Cuneta sa bago nitong album at meron din namang napili si Jona para sa sarili niyang recording.

Ibang-iba ang mga kantang gawa ng apo ni Superstar Nora Aunor sa mga nai-record na nina Shawie at Jona. Dahil sa kabataan ng composer ay bagets din ang tunog at tema ng naku-compose niyang mga kanta.

Magbibigay ang mga ito ng panibagong lasa sa boses at istilo ng dalawang matagal nang recording artists.

Robin ayaw pa rin makita si BB na may BF

Wala namang choice ang pamilya ni BB Gandanghari kundi ang suportahan at tanggapin na ang pasya ni dating Rustom Padilla na tahakin ang mundo niya kasama ang showbiz bilang isang babae. Wala namang ibinibigay na problema ang “bago” nilang kapamilya maliban sa hiling ni Robin Padilla na huwag munang magpakilala sa kanya ang kapatid ng lovelife.

Kylie bagay sa gagawin ni Monsour

Patuloy din pala sa paggawa ng action mo­vies ang ngayon ay congressman ng Makati na si Monsour del Rosario. Kasama ito sa pelikulang Blood Hunters na gagawin ng Pinoy filmmaker na si Vincent Soberano. Tungkol ito sa paghahanap ng isang grupo ng mga hunters sa reyna ng mga aswang. Isa itong popular na alamat ng mga Pinoy tulad din ng kapre at duwende.

Sa Bataan kukunan ang pelikula.

Naghahanap ang produksyon ng artistang babae para sa pelikula na marunong sa acting at martial arts. Puwede rito si Kylie Padilla o ang mga Sang’gre ng Encantadia. Puwede kaya sila?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with