^

PSN Showbiz

Kahit indie at hind pambata, Nora pinagdiinang may kalidad daw ang mga pinili ng MMFF

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon
Kahit indie at hind pambata, Nora pinagdiinang may kalidad daw ang mga pinili ng MMFF

Nora Aunor

PIK: Iniiwasan na ni Sunshine Dizon na pag-usapan pa ang kaso nila ng asawa niyang si Timothy Tan pati ang isinampa niyang kaso laban kay Clarisma Sison. Napagsabihan na kami ng kampo ng aktres, dahil nasa Prosecution na ito ay hinihintay na lang ang resolution. Maaaring iniiwasan na rin ni Sunshine na mapagbintangang ginagamit pa ito sa publicity ng bagong afternoon drama niyang Ika-6 na Utos.

Mamaya na pagkatapos ng Eat Bulaga magsisimula ang naturang serye at nilinaw ni Sunshine na trabaho lang ito at hindi na iniisip ang pagkakahalintulad ng kuwento sa pinagdaraanan niya ngayon.

PAK: Sa Facebook account na naglabas ng reaksyon ang direktor ng pelikulang Bubog na si Arlyn dela Cruz kaugnay sa desisyon ng PAMI na i-inhibit ang mga artists nila na makatrabaho kasabay ng pag-ban kay Baron Geisler.

Sabi niya, “One liner statement: ‘You weren’t there’.”

Tuloy pa rin daw ang shooting ng naturang pelikula at nasa 5th day na sila. Si Baron Geisler naman ay humingi na ng sorry kina Ping Medina at direk Arlyn.

Umaasa raw siyang magkakausap at magiging friends sila uli ni Ping.  Ayaw na raw niya nang dagdag pa ang drama sa buhay niya.

BOOM: Napuno ang Skydome ng SM North EDSA ng supoorters at fans ng mga artistang may pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2016.

Dito kasi ini-launch ang Countdown to MMFF 2016 na dinaluhan ng mga artistang bida sa mga pelikulang Die Beautiful, Ang Babae sa Septic Tank 2, Sa­ving Sally, Sunday Beauty Queens, Seklusyon, Vince and Kath and James, at Kabisera.

Si Nora Aunor ang isa sa pinakamaagang dumating sa venue. Isa siya sa nagpapasalamat sa masusing pagpili ng Screening Committee ng MMFF dahil talagang mga karapat-dapat daw na pelikula ang isinali.

Maingat ang sagot niya nang tanungin namin tungkol sa komento ng karamihan kaugnay sa pagkaligwak ng mga pelikulang maintstream. “Hindi naman natin maaalis ‘yun sa kanila dahil sa mga nagdaang taon, puro ganun ang mga klase ng pelikulang napapanood sa Metro Manila Film Festival at ngayon nga ay pinili lang talaga ‘yung dapat kasali. Hindi natin maalis sa kanila ‘yun.

“Pero sabi nga…eh talagang ‘yung mga nararapat lang talaga ang panoorin ng mga tao na nagbibigay ng aral sa mga kabataan.”

Umaapela na lang siya sa mga manonood na sana raw ay tangkilikin itong MMFF ngayong taon. “Dapat nating tangkilikin at i-promote ang mga pelikulang kasali sa Metro Manila Film Festival dahil sa sila lang uli ang nagkaroon ng lakas ng loob na piliin ‘yung talagang de kalidad na pelikulang ginawa,” saad ni Ate Guy.

Si Eugene Domingo naman ay umiwas pag-usapan ang tungkol sa isyu ng mainstream at indie films. Masaya na lang siyang nakita roon si Nora at mahigpit silang nagyakap.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with