^

PSN Showbiz

Jake hindi nagulat sa ka-sweetan ng anak ni Gary V.

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakatrabaho ni Kiana Valenciano si Jake Cuenca. Nakasama ang aktor sa music video para sa kantang Circles ng anak ni Gary Valenciano.

Ayon kay Kiana ay talagang pinili niya si Jake upang makasama sa nasabing proyekto dahil matagal na silang magkaibigan ng aktor. Naging madali na raw ang shooting ng music video dahil magkakilala na sila noon pa man. “I think personally nagamit ‘yung friendship. Kasi may mga scenes na kunwari sweet kami, nagkukwentuhan lang kami like catching up,” bungad ni Kiana.

Ayon naman kay Jake ay may talent rin ang dalaga pagdating sa pag-arte sa harap ng kamera. “She’s good. Ang tanong ko nga, bakit hindi pa siya mag-artista. I’m sure tinanong na siya ng kapamilya kung gusto niya. Kasi she’s very natural sa mga eksena namin and hindi siya nagulat on me sa mga sweet scenes,” nakangiting kwento ni Jake.

Samantala, aminado si Kiana na hindi pa siya kumportable sa pag-arte kaya natutuwa ang dalaga kapag may pumupuri sa kanya tungkol dito. “We grew up singing, I grew up dancing but acting is something I was introduced to and I’m very thankful that someone like Jake Cuenca recognized it,” pagtatapos ni Kiana.

Bela surreal ang pakiramdam sa pagsasama nila ni Zanjoe

Malaki ang pasasalamat ni Bela Padilla sa Kapamilya network dahil muli siyang nabigyan ng bagong proyekto. Kabilang ang aktres sa teleseryeng My Dear Heart na pinagbibidahan nila ni Zanjoe Marudo at batang si Nayomi Ramos. “I was very flattered kasi Dreamscape was offering me two shows and they made me choose which one I wanted to do first and I told them to choose for me whichever they thought was best for me. And then they told us the story from the start pa lang parang naiiyak na ako sa kwento pa lang. I’m excited,” pahayag ni Bela.

Isang malaking karangalan daw para sa aktres na makatambal si Zanjoe para sa bagong proyekto sa kauna-unahang pagkakataon. “I’m a fan and I’ve been watching his shows and movies. So I’m really a big fan of Zanjoe, especially in The Third Party. I even tweeted about it na parang it’s so surreal na I was just admiring his work  tapos now I get to work with him,” paliwanag ng dalaga.

Samantala, masayang-masaya rin si Bela sa pagkakaloob sa kanyang tiyuhin na si Robin Padilla ng presidential pardon kamakailan. “I’m very happy for him. I know he’s been wanting that and I’m sure everyone’s seen how hard he worked for it and he proved himself that he really deserves it naman. So sana I’m really just wishing that everyone feels good about it and wishes him well because I do,” nakangiting pahayag ni Bela.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with