^

PSN Showbiz

Dating sexy actress na paboritong banggitin ‘pag may naka-karma, pinupuri sa husay mangutang

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Kung pagiging responsable ang pag-uusapan ay walang tatalo sa isang dating sexy actress na nagkakaedad na ngayon. Paborito siyang puntahan ng mga alahera sa showbiz, kahit gaano pa kamahal ang magustuhan niyang alahas ay walang pagdadalawang-isip siyang binibigyan, dahil walang kahirap-hirap pautangin ang sexy actress.

Malakas ang kanyang raket nu’n dahil bukod sa magaling na siya sa drama ay angat din ang kanyang talento sa pagpapatawa. Marami siyang sitcom, paborito rin siya ng mga direktor at produksiyon, dahil sa husay niyang makisama.

Kuwento ng isang alahera, “Kapag nag-issue siya ng mga postdated checks, e, matulog ka na. Hindi ‘yun puputok, hindi magdidribol, alagang-alaga niya ang finances niya, sa totoo lang.

“Kung wala naman siyang checks at nangakong sa ganitong date siya magbabayad, e, puwede mo nang ipangutang ‘yun, dahil hindi siya pumapalya.

“Napakalayo niya sa ibang artista na kapag nangutang ng alahas, e, minsan-makalawa-maikatlo lang magbabayad. Pagkatapos nu’n, e, pahirapan na silang makita, nagtatago sila!

“Kaya ibang-iba sa kanila si ____(pangalan ng dating sexy actress na paboritong artista ng isang pumanaw na premyadong direktor), hindi ka niya pahihirapan, kahit wala siya sa bahay, e, iniiwanan niya sa kasambahay niya ang payment.

“Sana, katulad din siya ng ibang artista na magaling lang sa pangungutang, pero napakahirap nang hanapin sa bayaran,” kuwento pa ng alahera naming source.

Mahal na mahal din ng kanyang mga kapitbahay ang dating sexy actress dahil sa galing niyang makisama. Hindi na siya masyadong napapanood, namimili na lang siya ng proyekto, pero madalas pa ring nababanggit ang kanyang pangalan sa mga umpukang-showbiz.

Huling sultada ng aming impormante, “Ang pangalan niya kasi ang madalas gamiting term kapag may artistang naka-karma. ‘Yun lang!”

Ubos!

Baron kumpirmadong lumiit na ang mundo

Si Baron Geisler ang naghanap ng indulto sa buhay niya. Siya ang bumili ng senaryong hindi makagaganda sa kanyang career. Siya ang may gusto nito at pinagbigyan naman siya ng kapalaran.

Nagdesisyon na ang PAMI, asosasyon ng mga managers ng mga artista at singers, na huwag nang tumanggap ng kahit anong proyekto para sa kanilang mga alaga kapag kasama si Baron.

Basta nasa casting si Baron ay walang kahit sinong artista ng sinumang opisyal at miyembro ng PAMI na tatanggap ng pelikula o serye sa telebisyon. Masyado nang pinaliit ni Baron ang kanyang mundo.

Hindi na siya malayang ibon ngayon, para na siyang palaka na palundag-lundag na lang sa sarili niyang mundo, anong proyekto at kabuhayan pa ang kanyang maaasahan kapag ganyan na wala na palang mga alaga ng mga taga-PAMI ang magkakagustong makipagtrabaho sa kanya?

Walang ibang dapat sisihin sa pangyayaring ito kundi si Baron lang. Ang kanyang balikong pag-iisip at pagiging war freak kapag nalalasing, ang pagkalimot niya sa kagandahang-asal na dapat palutangin sa lahat ng pagkakataon, ang pagrespeto sa kanyang mga kapwa artista at sa buong produksiyon na nakakalimutan na niya kapag nakakalaklak siya ng agua de pataranta kaya siya nagiging tarantado.

Ito na ang pinakahinog na panahon para mabigyan ng leksiyon ang isang taong ginagawa na lang tanga at tau-tauhan ang kanyang kapwa. Kailangan siyang maparusahan hanggang sa dumating sa kanya ang punto ng reyalisasyon na maling-mali ang kanyang mga ginagawa.

Isa pa lang ito, may kasunod pa, kung paanong sunud-sunod din ang mga ginawa niyang kabastusan sa kanyang mga kapwa aktor.

Malayang-malaya nang umihi ngayon si Baron Geisler hanggang gusto niya dahil pahinga na siya sa pagtatrabaho.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with