^

PSN Showbiz

‘Utak’ ni Baron pagagalingin muna ng manager!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
�Utak� ni Baron pagagalingin muna ng manager!

Ping Medina

Natagalan ang emergency meeting ng PAMI noong Sabado sa Annabel’s Restaurant dahil pinag-usapan na mabuti ang kaso nina Ping Medina at Baron Geisler.

Nagkaisa ang officers at members ng PAMI na huwag payagan si Baron na makatrabaho ng mga talent namin dahil sa pag-ihi na ginawa niya kay Ping sa shooting ng indie movie na Bubog.

Si Arnold Vegafria na PAMI member ang manager ni Baron at tinanggap niya ang desisyon ng aming grupo. Siya na ang nagkusa na nagsabi na hindi muna siya tatanggap ng mga project para kay Baron hangga’t hindi ito mentally fit at psychologically stable.

Nag-file rin si Arnold ng reklamo laban sa Bubog director na si Arlyn dela Cruz dahil hindi nito nakontrol ang sitwasyon.

Kahit sinabi ni Ping na walang kasalanan si Arlyn dahil walang monitor, dapat naging maagap ang direktor nang sabihin ni Baron na may gagawin ito.

Isang member ng PAMI na may kinalaman sa paggawa ng pelikula ang nagsabi na posibleng hindi nangyari ang insidente kung binantayan ni Arlyn ang kilos ni Baron dahil nagsalita nga ito na may gagawin siya.

Bibsy Carballo hindi makakalimutan sa ipinamimigay na loot bag

Mula sa emergency meeting ng PAMI, dumiretso ako sa Pinaglabanan Church sa San Juan City para magbigay-pugay sa cremated remains ng aking best friend na si Bibsy Carballo na sumakabilang-buhay noong Biyernes.

Nalungkot ako nang malaman ko ang balita na pumanaw na si Bibsy pero napalitan ng saya ang lungkot nang makita ko ang urn na naglalaman ng kanyang abo at ang mga bulaklak na ipinadala ng mga nakikiramay.

Feel na feel ko na well-loved si Bibsy sa industry dahil mahusay ito na makisama at maraming natulungan, lalo na noong active pa siya bilang talent manager.

Natuwa ako nang makita ko ang bulaklak na padala ni Dawn Zulueta, ang dating talent ni Bibsy. Witness ako sa magandang samahan noon nina Bibsy at Dawn kaya ikinalungkot ko ang paghihiwalay nila bilang manager at talent.

Naabutan ko sa burol ng labi ni Bibsy ang kanyang mga kamag-anak na nakaka-insecure dahil nag-uusap sila sa lengguwahe ng mga Kastila.

Ang mga kamag-anak ni Bibsy ang punong-abala sa pag-aasikaso sa mga nakikiramay dahil nag-iisang anak siya at matagal nang namatay ang nanay niya.

Kagabi ang huling lamay para kay Bibsy dahil ilalagak ngayong umaga sa columbarium ng Pinag­labanan Church ang kanyang mga labi. Katabi lamang ng simbahan ang school na pag-aari ng pamilya ni Bibsy. Bago ako umalis, nagpakuha ako ng litrato sa tabi ng urn na naglalaman ng ashes ni Bibsy.

Maraming beses kaming nagkasama ni Bibsy sa mga biyahe sa ibang bansa kaya naging magkaibigan kami.

Napakadali na pakisamahan ni Bibsy dahil hindi siya emotera at walang kaarte-arte sa katawan.

Hindi ko malilimutan ang isang insidente na pumayag si Bibsy na huwag magbigay sa kanya ng komisyon si Gretchen Barretto na former talent niya.

Pero sinabihan ni Bibsy si Gretchen na bigyan ako ng datung kaya may-I-give si Greta sa akin ng US$200.

Tuwing Pasko, ang mga Christmas bag na ipinamimigay ni Bibsy ang inaabangan ko dahil nakakaaliw ang mga pinagsama-samang regalo ng kanyang mga talent.

Malapit na naman ang Pasko at ang mga Christmas bag na ipinadadala ni Bibsy ang isa sa mga mami-miss ko.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with