^

PSN Showbiz

Magaling na aktor nanabotahe ng mas bata

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Na-i-insecure rin pala ang magaling na aktor na ito at nadismaya sa kanya ang mga nakaalam ng kanyang ginawa para hindi mapanood nang lamunin siya sa eksena ng kapwa aktor na mas bata sa kanya.

Pangit man kung pangit ang ginawa ng maga­ling na aktor, pero kinuntsaba nito ang editor ng pelikula para i-edit out ang eksenang mas lumutang ang husay ng mas batang aktor.

Hindi sana malalaman ng mas batang aktor at manager nito ang ginawa ng magaling na aktor, kaya lang, hindi nakatiis ang isa pang aktor na kasama sa movie at nakaalam sa ginawa ng magaling na aktor. Itsinika nito sa manager ng mas batang aktor ang nalaman at ipinaalam naman nito sa mas batang aktor.

Hindi na lang nagreklamo ang mas batang aktor at ang manager nito, hindi rin nagawang magalit sa sabotaheng ginawa sa kanya. Nanghinayang lang ito sa hindi isinama sa pelikula ang eksenang mahusay siya.

Mga may sakit na lupus may masasandalan na

Hindi lang sa musical na Mabining Mandirigma ilo-launch ang Hope for Lupus Foundation this Sunday, may open exhibit din na magpapakita sa different phases ng lupus. Sa Cultural Center of the Philippines gaganapin ang launching, open exhibit at musical na ang proceeds, mapupunta sa foundation.

Nilinaw ni Diwa Rep. Emmeline Aglipay-Villar na hindi nakakahawa ang lupus, pero wala pang gamot na nadidiskubre. Tuluy-tuloy lang ang gamot niya at sinusunod ang ipinagbawal ng doctor niya na doctor din noon ni former President Ferdinand Marcos.

Bawal kay Rep. Emmeline ang ma-stress at ma-expose sa araw at pinayuhang magkaroon ng healthy lifestyle. Hindi lang niya mapigil na hindi kumain ng lechon na paborito niya. Hindi rin siya pinapayagang masundan ang baby nila ni DPWH Sec. Mark Villar na si Emma.

Nagpe-paid off ang pagiging masunuring pasyente ni Rep. Emmeline dahil matagal ng hindi siya nagpe-flare up. Tumubo na ang buhok niya at wala siyang rushes. Iniwasan nitong magpa-chemo dahil gusto pa niyang magka-baby.

Rich hindi type sumikat

Bestfriend ni Sunshine Dizon ang role ni Rich Asuncion sa Afternoon Prime ng GMA-7 na Ika-6 Na Utos na airing na simula bukas, pagkatapos ng Eat Bulaga. Ayos na kay Rich ang bestfriend roles at kahit contravida roles dahil hindi raw niya inasam na sobrang sumikat kung ang kapalit ay hindi makakakilos ng normal.

Sa buhay niya ngayon, nakikilala siya ng tao pero hindi pinagkakaguluhan. Walang sumusunod sa kanya ‘pag nasa mall siya at nakakasakay pa rin siya ng MRT at jeep.

Dagdag na blessings pa ang pagkakaroon ng mabait at supportive boyfriend na si Ben Mudie na business partner din niya. Rugby player at teacher sa Brent International ang Fil-Aussie BF ni Rich na best influence sa life at career niya.

Wala pa silang planong magpakasal at tinatapos pa niya ang B.S. Tourism course niya sa UP Diliman. Si Yasmien Kurdi ang nagpakilala kina Rich at Ben dahil magkatabi ang condo na tinitirhan nina Yasmien at Ben sa BGC.

BB may series na sa Hollywood?!

Nag-post si BB Gandanghari ng picture sa Instagram (IG) na kuha sa ta­ping at may caption na “Rolling...action!!!” at may hashtag na #HOLLYWOOD #tvseriesshoot.

Ang dating ng mga nakakita ng picture, kasama si BB Gandanghari sa TV series na sinu-shoot. Nag-comment si Mariel Padilla ng “so happy for you” at si Robin Padilla, nag-comment ng “Kick some ass ms @gandanghabibb.”

Ibig sabihin nito, itinuloy ni BB Gandanghari ang showbiz at sa Hollywood pa.

Regal at GMA nagkapirmahan uli ng kontrata

Nagkaroon ng renewal of contract between GMA Network and Regal Films at pumirma ng kontrata sina Atty. Felipe Gozon ng GMA at sina Mother Lily at Roselle Monteverde ng Regal. Naintriga ang netizens sa post ni Roselle na “So excited for the projects forthcoming.”

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with