^

PSN Showbiz

Mika busy agad pagkalipat

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Isa nang certified Kapuso actress ang dating Kapamilya talent na si Mika dela Cruz, ang nakababatang kapatid ng singer-actress na si Angelika dela Cruz.  Nasa pangangalaga na rin siya ni Perry Lansigan na siya ring manager ni Angelika.

Ang magkapatid na Angelika at Mika sampu ng ibang talents ni Perry ay nakita namin sa Philippine grand launch ng French watch collection na Rene Mouris.

Si Mika mismo ang nagkuwento sa amin na maayos umano siyang nagpaalam sa Star Magic (ang dati niyang talent management studio) na siya’y lilipat ng talent management at pinayagan naman siya lalo pa’t wala naman siyang Kapamilya show na pinagkakaabalahan at that time.

Masaya siya na magkasama na sila ng kanyang ate na si Angelika dela Cruz ng ta­lent management at maging ng network.  May bagong TV project kaagad si Mika sa Kapuso Network, ang Meant to be na pangungunahan ni Barbie Forteza.

Rep. Emmeline Villar papasang talk show host

Given the chance, puwedeng ma­ging isang magaling na talk show host ang misis ng Dept. of Public Works and Highways Secretary Mark Villar na si Rep. Emmeline Aglipay-Villar dahil hindi lamang siyang magaling na resource person kundi magaling din siyang public speaker.  Ang talent na ito ni Congresswoman Villar ay na-discover namin during the media launch ng kanyang itinatag na foundation na may kinalaman sa sakit ng lupus na  sakit niya hanggang ngayon.

Kung ang ibang interview ay may pagka-boring, kakaiba naman si Cong. Emmeline dahil napakadaldal niya at masarap kausap.  Ang isang simpleng tanong sa kanya ay may katapat na kilometric answer.

Inamin ni Cong. Villar na grabe ang kanyang pinagdaanan nang siya’y magkaroon ng sakit na lupus na kung hindi malakas ang kanyang loob ay baka kung ano pa ang puwedeng mangyari sa kanya.

Ang kanyang pinagdaanan ang nagbigay sa kanya ng inspirasyon na magtatag ng isang foundation na may kinalaman sa pagtulong sa may ganitong na hindi kayang tustusan ang ganitong uri ng sakit.

Sa kabila ng kanyang naging kalagayan, hindi ito naging dahilan para hindi ma-in love sa kanya ang panganay nina dating Sen. Manny Villar at si Sen. Cynthia Villar na si Sec. Mark Villar conside­ring na napaka-slim din ng chance noon ni Cong. Emmie na magkaanak dahil sa kanyang sakit.  Pero sa awa ng Diyos, sila’y biniyayaan ng isang anak na babae.

Unknown to many, si Cong. Emmeline Villar ay first cousin ng napamayapang matinee idol na si Rico Yan dahil ang ina ng kongresista at ama ni Rico ay magkapatid.

MJ, Sophie at Lirio aabangan sa IS

Sina Bb. Pilipinas-Universe Mary Jean “MJ” Lastimosa, actress-model Sophie Ran­kin and balikbayan singer Lirio Vital ang aming magiging espesyal na panau­hin sa aming radio/TV program na Inside Showbiz with Shalala on DZRJ 810 AM Radio/Cablelink Channel 7 ngayong hapon ng linggo, 1:00 p.m. to 3:00 p.m.

Live niyo rin pong mapapanood sa Facebook Live ang Inside Showbiz sa pamamagitan ng 8 Tri-Media Broadcasting Network.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with