^

PSN Showbiz

Ellen pumiyok na masayang-masaya kay Baste!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Naging kontrobersyal ang mga larawan nina Ellen Adarna at ang anak ni President Rodrigo Duterte na si Baste Duterte sa social media. Makikita kasing sweet madalas ang dalawa sa mga post ng aktres kaya may bulung-bulungan na nagkakamabutihan na diumano sina Ellen at Baste ngayon. “My personal life… tanunging n’yo na lang siya (Baste). My personal life is basta, 1 + 1 equals 2,” nakangiting bungad ni Ellen. “What you see is what you get. That’s it! I’m happy and I look very happy right?” makahulugang pahayag ng sexy actress.

Samantala, masayang-masaya si Ellen sa pagkakapili sa kanya ng Tanduay para maging calendar girl para sa taong 2017. Hindi raw inakala ng aktres na makukuha siya para dito lalo pa’t galing din siya sa kakumpitensya nitong Ginebra. “I didn’t expect this coming from a different brand a year after. I didn’t expect it at all. Parang nag-cartwheel lang with back flip pa,” nakangiting pahayag ni aktres.

Nahirapan daw si Ellen habang nagpi-pictorial para sa kalen­daryo ng nasabing  brand. “Mahirap siya kasi we did twelve layouts, different set up and different looks. Mahirap siya but we did this for less than seven hours. Kasi talagang magaling ang team, ang galing ng everyone behind it,” pagbabahagi ng dalaga.

Julia kanselado ang paglayas ng bansa

Masayang-masaya si Julia Barretto dahil isa siya sa mga bida ng pelikulang Vince & Kath & James ng Star Cinema. Kasama ng aktres sina Joshua Garcia at Ronnie Alonte sa nasabing proyekto na isa sa mga kalahok sa Metro Manila Film Festival ngayong Kapaskuhan. Excited na si Julia dahil alam niyang makapagpapasaya sila sa mga ma­nonood sa sinehan pagsapit ng Pasko.

Nagdesisyon si Julia na huwag munang magbakasyon sa ibang bansa para makasama ang mga tagahanga. “We are all staying here. I think very important kasi na makasama namin ‘yung fans to watch the film together with them. This is our first time to do this so it’s not a problem. We are so excited actually, I actually volunteered to stay,” pahayag ni Julia.

Sasamahan daw ang aktres ng kanyang buong pamilya upang manood ng pelikula sa mismong araw ng Pasko. “Hindi lang ako ang makakasama n’yo sa Christmas day. It will be the whole clan of Barretto. It’s going to be fun,” pagbabahagi ni Julia.

Pagkatapos ng film festival ay nakatakda nang magbakasyon ng aktres sa ibang bansa. “Best gift ang travel so I’m going to travel after to somewhere very cold and where there’s so much snow,” nakangiting pagtatapos ni Julia.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with