^

PSN Showbiz

Para lang purihin, singer na nangibang network halos mapatid ang mga ugat sa pagbirit

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Totoo palang may something ang mga dating kagrupo ng isang magaling na female performer kontra sa kanya. Nagkikita-kita pa rin kasi ang magkakaibigan pero ang babaeng performer ay hindi kasali sa kanilang mga chikahan at kape-kapehan.

May kakaibang ugali raw kasi ang female singer, parang ayaw niyang may makakakabog sa kanya, kaya kahit kapag nagpe-perform sila nu’n ay guma­gawa siya ng paraan para siya ang mas lumutang.

“Nakakaloka ang attitude ng babaeng ‘yun! Sa usapan na lahat sila, e, naka-black, bigla siyang darating na yellow gown ang dala-dala niya! Para nga naman iba siya!

“Sa usapan na kailangang nakapusod lang silang lahat dahil ‘yun ang babagay sa suot nila, e, bigla na lang siyang darating na nakalugay ang hair niya! Talagang lugay kung lugay ang ayos ng hair niya at ayaw na niyang ipabago ‘yun!

“Heto na. Bigla na lang niyang itinataas ang tono, bumibirit siya, kahit hindi naman dapat. Talagang nagpapapansin siya, kailangang iba siya sa mga kasama niya, kaya naman walang may gusto sa kanya,” napapailing na kuwento ng aming source.

Nu’n naramdaman na niyang parang wala nang nagkakagusto sa kanya ay lumundag na ng bakod ang female performer, lumipat siya sa kalaban ng network kung saan siya nakilala, ibang-iba na naman siya nu’n.

Patuloy ng aming impormante, “Kaya kapag nagkikita-kita ang mga dati niyang kagrupo, e, hindi siya invited. Kung darating siya, magiging gatecrasher naman siya, nakakahiya naman ‘yun.

Pagtatapos ng aming source, “Du’n sa nilipatan niyang network, e, nadidiskubre na rin ng mga bago niyang kasamahan ang attitude niya. Pabibo siyang masyado, gusto niyang pansin na pansin ang talent niya, kaya kesehodang mapatid na ang mga ugat niya sa leeg, e, birit lang siya nang birit!”

Ubos!

Mga pinagsasabi ni Baron hindi pinaniniwalaan

Anumang depensa ang gawin ngayon ni Baron Geisler tungkol sa reklamo laban sa kanya ni Ping Medina ay mawawalan na ng saysay. Tiwa-tiwayway mang litanya ang i-post niya ngayon ay wala nang maniniwala sa aktor.

Sa unang tanong pa lang kasi ay laglag na siya. Sino ba ang nasa tamang katwiran, ang inihian o ang nang-ihi, du’n pa lang ay talo na agad sa argumento si Baron. Wala nang kakampi at makauunawa sa kanya.

Sayang lang ang panahong ginugugol sa pagpapaliwanag ni Baron. Ineekis-ekis niya ang kuwento, sinisisi niya ang direktor nila, ang produksiyon, ang lahat ng kunektado sa pelikula, sinisisi rin niya si Ping.

Alangan namang mali ang lahat ng mga binabanggit niya at siya ang nasa tama? Wasto bang ihian niya si Ping? Tama bang gawin niyang inodoro ang katawan ng kanyang co-actor?

Ewan kung saang diksiyunaryo humahango si Baron ng kanyang mga pilipit na katwiran. Epekto ba ‘yun ng pag-inom niya ng turmeric tea na ayon sa kanyang mga kasama ay hindi naman talaga katas ng luyang dilaw kundi alak?

Nakakapanghinayang siya dahil magaling siyang artista, pero nakakaawa naman ang pinagtatrabahuhan niyang produksiyon, dahil puro kabastusan ang ginagawa niya.

Nangako siya nu’n na para sa maysakit niyang ina ay magpapakatino na siya. Titiisin na raw niya ang panunuyo ng kanyang lalamunan para kahit paano naman ay sumaya ang kanyang mommy. Pero pinanindigan ba niya ang kanyang pangako?

Nasa ICU ang kanyang ina, maysakit at nakikipaglaban para madagdagan pa ang kanyang edad, pero sa halip na pagaanin ang problema ng kanyang pamilya ay puro kabastusan pa ang kanyang ginagawa.

Ano na ba ang lumulukob sa utak ni Baron Geisler? Hindi na kakayanin ng mga payo at panga­ral lang ang kanyang ugali, doktor na ang kanyang kailangan, isang dalubhasang doktor na magkokonek-konek ng mga kuwerdas ng kanyang utak na madalas nang sumasablay sa kagandahang-asal.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with