^

PSN Showbiz

Aktres nakikitulog na sa bahay ng BF!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Magkaiba ang reaction ng fans na nakitulog sa bahay ng kanyang actor boyfriend ang isang aktres. Marami siyempre ang kinilig dahil patunay ‘yun kung gaano na ka-solid ang relasyon ng magka-love team at umabot na nga sa pakikitulog ng aktres sa bahay ng BF.

Meron din namang hindi natuwa at natatakot sila para sa aktres na baka ma-bash. Sobra pa naman ang bashers ngayon at kahit walang malisya ay nilalagyan nila.

Wish ng fans na hindi pabor sa ginawa ng aktres na hindi na ulitin ang makitulog at sana raw ay hindi na siya payagan ng parents nito.

May mga kapatid na babae ang aktor at siguro naman, sa bedroom ng mga kapatid na babae nito o baka sa guest room ng bahay ng aktor natulog ang aktres. Baka may malaking dahilan din kung bakit nakitulog ang aktres sa bahay ng boyfriend. Sabing ‘wag bigyan ng malisya, eh!

Babae sa Septic Tank ni Eugene kakaiba ang poster

Graded A ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang Ang Babae Sa Septic Tank 2: Forever is not Enough na pinagbibidahan muli si Eugene Domingo. Nakakatuwa dahil kahit kapwa directors ni Marlon Rivera, pinu-promote ang pelikula at ito raw ang dapat unahing panoorin sa Metro Manila Film Festival (MMFF) na magsisimula sa December 25.

Maganda at hindi pangkaraniwan ang poster nila.

Pinost ni Eugene Domingo sa Instagram (IG) ang ilang scene sa trailer ng movie at natawa na agad ang mga tao rito. This early, marami ang humuhula na ang Ang Babae Sa Septic Tank 2 at ang Die Beautiful ni Paolo Ballesteros ang maglalaban sa pagiging number one sa box-office.

Samantala, dadalo sina Eugene, Paolo Balleste­ros, Rhian Ramos, Julia Barretto, Nora Aunor, at iba pang mga bida ng entries sa MMFF sa Kick Off event at Countdown to the MMFF 2016 na gaganapin sa SM North EDSA Skydome this Saturday. Ipalalabas din ang omnibus at individual trailers ng eight entries sa nasabing two-in-one event.

Christian magpo-produce na lang ng sariling album

Sobrang nag-enjoy si Christian Bautista sa pagiging judge ng Superstar Duets, kaya kung magkakaroon ito ng season 2 ay gusto pa rin niyang mapasama. Masaya ang show lalo’t hinaluan ito ng comedy. Enjoy sila sa taping at mami-miss ang co-judges na sina Allan K at Aicelle Santos pati na rin ang contestants dahil sa December 17 na ang finals.

Ibinalita pala ni Christian na malapit na ang release ng new album niyang self-produced at siya lahat ang umasikaso. Ang Universal Records pa rin ang magre-release, pero siya na ang producer.

Tungkol naman sa Encantadia, ang alam ni Christian, babalik pa ang karakter niyang si Apitong.

Ryza magiging Barretto na

Open na si Ryza Cenon sa pag-amin sa relasyon nila ni Pocholo Barretto at sinagot niya ang mga tanong ng press tungkol sa kanila ng boyfriend sa presscon ng Ika-6 Na Utos. Wala namang rason para itago ang kanilang relasyon lalo’t sweet-switan sila sa social media at ipinost pa nga ni Ryza ang oatmeal na padala at iniluto ni Pocholo para sa kanya.

Kuwento pa ni Ryza, ipinakilala na siya ni Pocholo sa ibang mga pinsan nito, pero hindi pa niya nami-meet ang magkakapatid na Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto. Okay daw ang mga na-meet niyang pinsan ng BF at hindi naman siya nailang sa kanila.

Almost three months pa lang ang relasyon ng dalawa at isa si Pocholo sa inspirasyon ni Ryza na maganda ang takbo ng career ngayon. Bukod sa Ika-6 Na Utos na airing na sa December 5, after Eat Bulaga, kasama rin siya sa cast ng Enteng Kabisote 10 and the Abangers.

Maganda ang sinabi ni director Laurice Guillen kay Ryza na wala itong kiyeme, simple, may sensuality, at bagay sa role na kabit ni Gabby Concepcion.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with