^

PSN Showbiz

Kita ng SPG at Enteng nabawasan, umaasang makakabangon ngayong weekend!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Sobrang ins­pired ang maybahay ni DPWH Secretary Mark Villar na si Congresswoman Em­meline Aglipay-Villar sa advocacy niya tungkol sa aware­ness ng sakit na lupus. Ibina­hagi ni Cong. Villar ang pi­nag­daanan niya nang da­puan siya ng natu­rang sakit. Detal­yado niyang ikinuwen­to kung gaano kasakit at hirap ang naram­daman niya nang magka-lupus siya. Pero dahil nakakaya niya ang treatment sa tulong ng kanyang pamilya, naka-recover siya. ‘Yun lang, hanggang ngayon ay meron pa rin siyang lupus. Pero nama-manage niya sa rami ng gamot na tini-take araw-araw.

Alam ni Cong. Villar na kung mahirap ka ay hindi kakayanin ang gamutan.

Kaya binuo ng Diwa Party-list representative ang Hope for Lupus Foundation na ilu-launch na sa darating na Linggo, December 4 sa Cultural Center of the Philippines.

Kasabay nito ay magkakaroon ng exhibit na Lu­pus Warriors, at musical play na Mabining Mandirigma ni Nicanor Tiongson.

Ang kikitain sa naturang musical play ay ilala­an sa pagpapagamot sa mga mahihirap na may sakit na Lupus na naka-confine ngayon sa Phi­lippine General Hospital.

PAK: Ilan sa mga kaibigan naming nanood ng The Super Parental Guardians at Enteng Kabisote 10 and the Abangers ang mas type ang pelikula ni Vic Sotto dahil mas matino raw ito kung ikumpara sa pelikula nina Vice Ganda at Coco Martin.

Kung sabagay ang Enteng ni Bossing Vic ay nabigyan  ng Grade B ng Cinema Evaluation Board (CEB), at so far ito raw ang pinakamagandang Enteng ni Vic.

Pero nakakapanghinayang na hindi ito na-consider sa MMFF. Pero ang SPG daw nina Vice at Coco ay dapat daw talagang maligwak sa MMFF. Napag-alamang mas mataas ang scores na nakuha ng Enteng kesa sa SPG mula sa screening committee ng MMFF.

Parehong malakas ang dalawang pelikula, pero mas lamang nga naman ang kina Vice at Coco. Pero parehong bumagsak ang kinita nito sa panga­lawang araw ng showing. Halos 70 percent daw ang ibinagsak ng box-office returns. Inaasahan namang makakabawi ito ngayong weekend.

BOOM: Malaki ang pa­sasalamat ng nag-iisang anak ni Kuya Germs na si Federico Moreno dahil sa matagumpay na Walk of Fame na ginanap sa Eastwood City.

Present ang lahat na inductees na pinili nila mula sa iba’t-ibang sector ng Philippine Entertainment na Movies, Television, Music, News and Public Affairs, Theater at Radio.

Ayon kay Federico, “We really did our best na maging glamorous kasi wala na si Papang eh.

“Iba kasi kung nandiyan si Kuya Germs, nandiyan ang glitter eh. Kaya talagang inayos namin nang husto.”

Text pa niya sa amin, “The Walk of Fame Foundation of our Kuya Germs is our own small way of continuing his legacy. This is one of the best contribution my family and close friends of my father can contribute to the Philippine Entertainment Industry.”

Ibinahagi na rin sa amin ni Federico na sa susunod na taon daw ay magdagdag sila ng miyembro ng movie press na ilalagay sa Walk of Fame.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with