^

PSN Showbiz

Mga pinagpaguran ng aktres inuubos ng nanay sa pag-iipon ng lupa!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Kung tutuusin ay hindi naman nanggagaling sa ibang tao ang mga kuwentong lumulutang tungkol sa pagkaburyong ng isang young female personality sa pagtatrabaho. Sa kanya mismo ‘yun nanggagaling, siya ang source, hindi iba.

May mga pagkakataong kapag naiinis na ang young actress ay nakapaglalabas siya ng mga sama ng loob sa kanyang mga kaibigan. Ang madalas niyang iniaangal ay ang sobrang higpit sa datung ng kanyang mga magulang.

Kuwento ng isang source, “Kaya madalas siyang iritable habang nagwo-work, e, dahil na rin sa parents niya. Sobra naman kasi ang mga ‘yun, para siyang kalabaw kung magtrabaho, pero wala man lang siyang premyo!

“Parang work lang siya nang work, pero hinahawakan naman ng mommy niya ang datung niya, okey lang naman sa kanya ‘yun para makaipon siya, pero kadalasan kasi, e, OA na ang mommy niya!

“May gusto siyang bilhin, natural lang na gusto niya rin namang sumunod sa uso, ‘di ba? Pero ayaw ng mommy niya, unahin daw muna niya ang pagpupundar ng lote.

“Lote? Walang masama du’n, pero sana naman, e, mahawakan din niya ang perang pinagpapaguran niya! Gusto niyang bumili ng usong sapatos, lote raw muna, tutal, may mga nagagamit pa naman siya.

“Gusto niyang makipagsabayan sa mga co-stars niya, gusto niyang bumili ng branded bag, pero ayaw ng nanay niya! Murang-mura lang daw kasi ang ibinebentang lupa sa kanilang lugar. Lote na naman?” napapailing na kuwento ng aming impormante.

‘Yun kuno ang dahilan kung bakit kapag dumarating sa set ang girl ay palagi siyang nakasimangot. Para siyang pagod na pagod, walang gana, ni hindi nga siya bumabati sa mga katrabaho niya.

“Nu’ng minsang may alaherang dumalaw sa taping ng girl, e, parang ipinahiya niya ang mommy niya. Agad na siyang tumanggi nu’ng inaalukan na siya ng alahera, ang sabi niya, ‘Hindi ko po maisusuot ang lote, pero ang sabi ng mommy ko, lote muna bago ang kahit ano.’

“Napayuko ang mommy niya, kasi nga, ‘yun din naman ang sasabihin sa kanya kung magpapaalam siyang bumili ng jewelry,” napapailing na sabi ng aming source.

Ubos!

Sunshine hindi na nakapaghintay ma-annul!

Lantaran na ang pakikipagrelasyon ni Sunshine Cruz kay Macky Mathay. Pareho pa silang nakatali sa mga nakaraan nilang relasyon pero hindi na nila inililihim ang kanilang pagmamahalan.

Ipinakilala na ni Sunshine ang mga anak nila ni Cesar Montano kay Macky, maayos naman ang pagtanggap ng mga bagets sa karelasyon ng kanilang mommy, wala nang problema kung tutuusin sa parte ng singer-actress.

Pero gaano man kapositibo ang lahat ay hindi pa rin malaya si Sunshine, kasal pa rin sila ni Cesar, kasal pa rin si Macky sa anak ni Congressman Rudy Fariñas.

Para makumpleto ang kanilang kaligayahan ay maging legal na sana ang paglaya ni Sunshine, mapawalang-bisa na sana ang kanilang kasal, pareho lang naman silang may karapatang lumigaya.

Sabi ng isang nakausap naming kamag-anak ng aktres, “At least, si Shine, hindi niya niloloko ang sarili niya at ang publiko, umaamin siya. Ang ibang tao ba, kayang gawin ang pagiging totoo niya?

“Matagal na siyang nagsakripisyo, ibinigay na niya ang lahat-lahat, pero kulang at kulang pa rin pala ang mga ginawa niya, kaya she asked for freedom. She deserves to be happy, minsan lang tayong mabubuhay,” madiing komento ng kadugo ng aktres.

Kailangang maging legal na ang paghihiwalay nila ni Cesar, kailangang korte ang humusga sa kanilang kapalaran, dahil nasa Pilipinas si Sunshine.

Sa bansang ito pa naman, puwedeng makipagrelasyon sa iba ang lalaki, pero iba ang tingin ng ating lipunan sa babaeng nakikipagrelasyon nang nakagapos pa ang mga kamay sa isang hindi nagtagumpay na relasyong legal.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with