^

Police Metro

3 SAF troopers patay sa road mishap

PIK PAK BOOM - Rhoderick ­Beñez - Pang-masa

MANILA, Philippines – Tatlong mga mi­yembro ng PNP-Special Action Force (SAF) troopers ang iniulat na nasawi makaraang mabangga ang sinasakyan ng mga itong motorsiklo ng kasalubong na mobile patrol sa kahabaan ng highway ng Brgy. Paco, Kidapawan City, North Cotabato  kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang mga nasawi na sina PO3 James Bangayan, P02 Arjay Curpoz Cuibal at PO3 Andi Balungayan ; pawang kasapi ng PNP-SAF na nakatalaga sa PNP-North Cotabato Provincial Headquarters sa Barangay Amas ng lungsod.

Batay sa ulat ng Ki­dapawan City PNP,  nangyari ang aksidente dakong ala-1 ng madaling araw habang lulan ang mga biktima ng motorsiklo mula sa lungsod pabalik ng kanilang kampo nang mabundol ito ng kasalubong na 911 mobile patrol sa Barangay Paco, Kidapawan City.

Dahil sa lakas ng  pag­kakabangga, agad na binawian ng buhay ang tatlo makaraang tumilapon sa sinasakyang motorsiklo.

Nabagok ang ulo  ng mga biktima sa semento  habang halos nagkalasog-lasog rin ang  iba’t-ibang bahagi ng kanilang katawan.

Isinugod naman sa pagamutan ang driver ng 911 mobile patrol na si Jofel Mangibunong, empleyado ng City-LGU at ang kasama nitong  si John Revilla.

Sa inisyal na im­bestigasyon, nakainom ng alak ang tatlong pulis at pagiwang -giwang sa national highway ang sinakyang motorsiklo nang mabangga ng 911 Mobile Patrol.

Isinasailalim pa sa masusing pagsisiyasat ng mga awtoridad ang kasong ito.

vuukle comment

PNP-SPECIAL ACTION FORCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with