^

PSN Showbiz

Juday nasa mood pumatol sa basher!

RATED A - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Nagbabalik si Judy Ann Santos sa paggawa ng pelikula. Kalahok ang Kusina na pinagbibidahan ng aktres sa Cinemalaya Film Festival 2016. Dahil dito ay marami na rin ang nag-aabang kay Juday sa kanyang pagbabalik sa paggawa ng teleserye. “Kapag nakabalik na ako sa katawang lupa. Kasi ngayon nasa alapaap pa ako, but now I’m working on it pa. ‘Pag medyo in good fighting form na at may magandang material or something na would not require me a lot of time for now,” nakangiting pahayag ni Judy Ann.

Puspusan na raw ang ginagawang pagpapapayat ng aktres upang hindi siya magkaroon ng limitasyon sa mga susunod na proyekto. “Gusto ko lang din na worth it ‘yung project ‘pag bumalik ako, maganda ‘yung katawan ko. ‘Yung kahit pa-tumbling-in ako magagawa ko ‘yung walang limitations. Gusto ko I am fit as possible,” giit ni Judy Ann.

Kamakailan ay may pinatulan ang aktres na online basher dahil sa pagpuna sa kanyang katawan. “Hindi nawawala pero kapag nauunahan mo sila ng pag-deadma. Hindi sila mamba-bash pero siguro uunahan mo na sila. There are times na mababasa mo pa din talaga ang mga comments pero ‘yung particular basher na ‘yun, napapansin ko na medyo rude na ‘yung comments niya. It’s just that time nasa mood lang ako. Kumbaga, ‘Ahhh, gusto mo ah, oh sige.’ Pero hindi naman para kutyain siya ng ibang tao. Ang sa akin lang, gusto yata talaga magpapansin eh, ‘di sige. Pero kung talagang may issue talaga sa akin, sige patulan kita, nasa mood ako,” paliwanag ng young superstar.

Hindi pa nga nanliligaw JC basted agad sa Ate ni James!

Kamakailan ay nakatrabaho ng nakatatandang kapatid ni James Reid na si Lauren Reid si JC Santos. Marami ang nakapansin na mayroong on-cam chemistry ang dalawa kaya posibleng magtambal sa mga susunod na proyekto.

Si JC ay kasama nina James at Nadine Lustre sa teleseryeng Till I Met You. “It was really fun working with him. With JC, it came very naturally to do our photo shoot together. I can understand why people are saying that. He’s a good person. He’s a lovely person,” nakangiting bungad ni Lauren.

Napabalitang nililigawan na diumano ni JC ang dalaga ngayon. “I have not heard the rumors. Sorry I’m not up to date. But if that’s so, I don’t know what to say. But no I haven’t heard of it,” natatawang pahayag ni Lauren.

Sa ngayon ay hindi pa raw nakahandang makipagrelasyon ang dalaga at ang trabaho muna ang kanyang bibigyan ng panahon. “I am single and I plan on staying single for quite some time. I’m not dating. I’d like to focus on work right now. But who knows what will happen when it comes to love and to the heart. But at the moment it’s work for me,” pagbabahagi ni Lauren.

vuukle comment

JC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with