^

PSN Showbiz

Sylvester Stallone tinutukan ang ensayo ni Pacman!

SEEN SCENE - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Binisita ni Sylvester Stallone si Senator Manny Pacquiao sa boxing training nito sa Wildcard Gym sa Los Angeles noong Sabado (Sunday morning sa Pilipinas).

Pinanood ni Stallone ang paghahanda ng Pambansang Kamao para sa laban nito kay Jessie Vargas sa November 5 sa Thomas & Mack Center, Las Vegas.

Kapag may boxing fight si Papa Manny sa Amerika, hindi nawawalan ng mga Hollywood actor na dumadalaw at nakikipagtsikahan sa kanya. Ganyan kasikat si Papa Manny sa Amerika.

Ilang taon na ang nakalilipas mula nang mapabalita na gagawa ng pelikula sina Stallone at Papa Manny pero nananatiling drawing at pralala lamang ang lahat.

Ngayon pa ba sasabak uli sa pag-arte si Papa Manny eh busy na siya sa kanyang bagong career bilang senador ng Pilipinas?

Iza napiling hurado sa Hanoi International Filmfest

Bumiyahe kahapon si Iza Calzado sa Vietnam dahil isa siya sa mga inimbitahan para maging hurado sa Hanoi International Film Festival na idaraos sa November 1 hanggang November 5.

Si Iza ang isa sa mga jury ng feature length films sa international filmfest ng Vietnam.

Co-jury ng award-winning Pinay actress ang respected at multi-awarded French director, producer, at screenwriter na si Regis Wargnier. Ang Indochine ang biggest achievement ni Regis dahil ang pelikula niya ang Best Foreign Language Film ng 65th Academy Awards noong 1993.

Ang Hollywood actress na si Geraldine Chaplin, ang Indian filmmaker na si Adoor Gopalakrishnan, at ang award winning Vietnamese director at educator na si Dao Ba Son ang ibang hurado na makakatrabaho ni Iza sa Hanoi International Film Festival.

Anak ni Gabby, talo sa Miss Earth

Luz Valdez sa Miss Earth 2016 si Cloie Skarne pero enough nang nakasali siya sa Top 8 candidates ng beauty pageant na ginanap noong Sabado sa Mall of Asia Arena.

Kung tutuusin, luckier si Cloie kesa kay Imelda Schweighart, ang bet ng Pilipinas na luhaan dahil hindi napili na semi-finalist. Sinira ni Imelda ang back-to-back win nina Jamie Herrell at Angelia Ong noong 2014 at 2015, respectively.

At least, naranasan ni Cloie ang swimsuit at long gown competition, pati na ang question and answer portion na halata na nagpakaba sa kanya pero nasagot niya nang maayos ang kiyeme-kiyemeng #BeautyQueen.

Big factor na anak ni Gabby Concepcion at kapatid ni KC Concepcion si Cloie kaya malakas ang cheer ng MOA Arena crowd kapag rumarampa siya sa stage pero hindi niya talaga kapalaran na mag-win ng international beauty title.

Hindi dapat madismaya si Cloie dahil marami naman sila na natalo as in hindi siya nag-iisa.

Hindi pa naman tapos ang career ni Cloie bilang beauty queen dahil siya pa rin ang reigning Miss Earth Sweden hanggang sa susunod na taon.

Sunshine bibida na sa hapon

May bagong show sa GMA-7 si Sunshine Dizon at makakasama niya sina Gabby Concepcion, at Ryza Cenon.

Pang-hapon ang drama series na pagbibidahan nina Sunshine at Gabby kaya asking ang Encantadia fans sa mangyayari sa karakter niya sa telefantasya ng Kapuso Network.

Malalaman sa mga susunod na kabanata ng Encantadia ang mga mangyayari sa Adhara character ni Sunshine na effective na kontrabida kaya isa siya sa mga sinusubaybayan ng loyal viewers ng nangunguna na primetime telefantasya ng Kapuso Network.

vuukle comment

SYLVESTER STALLONE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with