^

PSN Showbiz

Sarah gustong mag-share ng biyaya?!

UBOS - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Sarah gustong mag-share ng biyaya?!
Popstar Royalty Sarah Geronimo

Ramdam na ramdam na ang pagbabalik ni Popstar Royalty Sarah Geronimo pagkatapos ng dala­wang buwang bakasyon na first time niyang ginawa sa mahigit isang dekadang career. “Yes, 100% back na. ‘Yung mindset ko is talagang ener­gized, mas motiva­ted to work even harder. Kasi dumarating din sa stage ng buhay natin na ano ba ‘yung purpose ko, bakit ko ba ito ginagawa, ano ba ‘yung kulang? And then I rea­lized  na you don’t work for other people to please them. ‘Yung main goal mo dapat is to share whatever you have. Kung ano ‘yung ibi­nigay sa ‘yo ng Pangi­noon, regardless kung magbunga siya ng konti or sangkatutak. Ang pinaka-importante is to glorify and honor Him sa kung ano ang ginagawa mo sa buhay mo,” pahayag ni Sarah sa isang interview pagkatapos ng kanyang bakasyon kung saan nagawa niya ang mga bagay na hindi niya naging priority noon.

Magpo-focus muna siya sa pagkanta pero meron na rin pinag-iisipang pelikula.

“I’d like to focus more sa music ko at i-promote ‘yung mga nakaraang album ko. Hindi ko kasi talaga na-promote nang maayos. We are planning na talagang mailabas ‘yung magagandang tracks dito sa latest album ko. Pitching pa lang ng new movie. Concert planning stage pa lang din po, TV shows, wala pa po,” dagdag na kuwento ni Sarah na kapapanalo lang Female Concert Performer of the Year sa isinagawang Star Award for M-TV para sa kanyang all-original song concert na From The Top na ginanap sa Araneta Coliseum last year.

At habang pinaghahandaan ang major concert, ang kanyang music muna ang kanyang tututukan. Magkakaroon siya ng special show para sa album niyang The Great Unknown na katatapos lang mag-platinum. Titled Sarah Geronimo The Great Unknown Unplugged, gaganapin ito sa Kia Theater, sa November 29, Tuesday, 8:00 p.m.

Ang ticket ay nagkakahalaga ng P2,500 (orchestra), P1,750 (loge), P1,000 (balcony). Available na sa TicketNet outlets. For inquiries, please call 911-555 or Viva Live 687-7236.

Matagal-tagal na rin ang last concert ni Sarah na From the Top sa Araneta Coliseum, December 2015 pa ‘yun kaya sabik na ang fans na mapanood uli siya na humahataw sa entablado. Kahit hindi major concert, todo naman ang ginagawang paghahanda ni Sarah dahil nasabik din siyang mag-perform para sa fans.

Imelda nganga sa Miss Earth!

Nganga ang kandidata natin sa Miss Earth 2016 na si Imelda Schweighart. Hindi man lang siya nakasama sa Top 16.

May konek kaya ito sa kontrobersiya na kinasangkutan ni Imelda nang mag-viral ang Facebook  live tsikahan nila ni Miss Austria Kimberly Budinsky? Nabanggit kasi nila sa tsikahan si Hitler at President Duterte.

Ayon hindi siya nakalusot, niratrat siya sa social media.

“Our President (Rodrigo Duterte) is doing Hitler stuff here in the Philippines!” dialogue ni Ms. Schweighart sa katsika niya.

Hindi niya nasundan ang tagumpay ni Miss Earth 2015 Angelia Ong.

Si Miss Ecuador Katherine Espín ang kinoronahan sa ginanap na coronation night sa Mall of Asia Arena last Saturday night.

Gerald at Bea sa singapore nag-lamyerda

Sa Singapore magpapalipas ng Undas ang mag-dyowang Gerald An­derson and  Bea Alonzo.

Base sa mga picture na naglabasan sa social media kahapon, may mga iba silang kasama na kaibigan.

Agad naaligaga ang fans ng dalawa sa kanilang adventure sa Singapore.

Kaya kahit may gagawing teleserye sina Gerald and Kim Chiu parang malabo na nga namang ma-link uli ang mag-ex.

vuukle comment

GERALD AN­DERSON AND BEA ALONZO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with