Trader pinabulagta ng tandem
TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Pinabulagta ng riding-in-tandem assassins ang 41-anyos na trader na sisinasabing high-value drug target ng pulisya matapos itong pagbabarilin sa car wash station sa Barangay Nancayasan, Urdaneta City sa Pangasinan kamakalawa. Kinilala ni P/Supt. Marceliano Desmito, Jr, hepe ng Urdaneta City PNP ang napatay na si Christopher Caogas ng nabanggit na barangay. Sa imbestigasyon ng pulisya, lumitaw na hinihintay ng biktima ang sukli sa kanyang ibinayad sa pagpapa-car wash ng kanyang kotse nang lapitan at ratratin ng naka-bonnet na lalaki saka mabilis na tumakas. Ayon sa police report, idineklarang patay sa Urdaneta Sacred Heart Hospital ang biktima.
- Latest