^

PSN Showbiz

Mga make-up artist sumusuko TV host nakahiga at parang kiti-kiti ‘pag nagpapaayos

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Kinontak ng isang produksiyon ang pamunuan ng isang kilalang parlor para mag-sponsor sa kanilang programa. Walang ibang gagawin ang shop kundi ang magpadala ng mga make-up artist at hairdresser para ayusan ang kanilang mga artista.

Live show ang inisponsoran ng salon, variety show ang programa, maraming hosts ang show na araw-araw na inaayusan ng team na ipinadadala ng salon sa studio.

Dalawang linggo lang mula nang mag-umpisa ang team ay meron nang sumusuko, ayaw na nilang ayusan ang isang female personality na masyado raw makulit, napakahirap ayusan dahil kung anu-ano ang ginagawa niya habang nakaharap sa salamin.

Kuwento ng aming source, “At hindi lang ‘yun! Ayaw niyang maupo sa harap ng mirror kapag nagpapaayos siya, gusto niyang nakahiga siya. May dala-dala kasi siyang small bed, kapag break nila, du’n siya nagpapahinga.

“Ilang days lang siyang nagpaayos sa harap ng salamin, nu’ng mga sumunod na araw na, e, nagpapaayos na siya nang nakahiga. Mahirap nga naman ‘yun, napakalikot pa naman niya!

“Saan ka naman makakakita ng inaayusan na nga nang nakahiga siya, e, napakakulit pa niya? Nakikipag-usap siya sa phone kung minsan, palipat-lipat ang phone niya sa magkabilang tenga niya, tawa pa siya nang tawa habang nakikipagkuwentuhan!

“Kapag sasalang na sila, e, saka siya nagmamadali, double time raw ang mga nag-aayos sa kanya, dahil siya na lang ang hinihintay. Ganu’n siya, kaya after two weeks, sumuko na ang mga naka-assign na make-up artist at hairdresser niya,” kuwento ng aming impormanteng iling nang iling.

Nagsimula bilang child star ang female TV host, magaling siyang umarte, puro guwapo at sikat na aktor ang nakarelasyon niya.

Pagtatapos ng aming source, “Mas madaling ayusan ang sister niya, hindi malikot at makulit, marunong makisama.”

Ubos!

Hindi naman banyaga, Jessy may karapatang magkamali sa Ingles

Walang problema kung paminsan-minsan ay sumasablay sa pagsasalita ng Ingles ang mga artista. Hindi naman tayo banyaga, Pilipino tayo, maaasahan na ang hindi pagiging perpekto ng mga Pinoy sa English language.

Pero ayon sa isang malawakang research ay ang ating lahi ang pinakamagaling sa Ingles, ‘yun ang dahilan kung bakit gustung-gusto ng mga banyagang kapitalista ang mga Pinoy na manggagawa, kabog daw natin ang ibang nasyon pagdating sa pagsasalita ng English.

Du’n pinagpipistahan ngayon si Jessy Mendiola, kumalat kasi ang footage sa social media habang iniinterbyu sila ng isang Ingliserang host, natural lang na diretsong mag-Ingles si Luis Manzano.

Sinabi ng aktor na pinakaseksing babae ang kasama nito sa Star Magic Ball, nang ibaling ng host ang mikropono kay Jessy, ang buong-ningning niyang sinabi, “What I am to say to that?

Ang ibig sigurong ipakahulugan ni Jessy ay wala na siyang masasabi pa, pinuri na siya ni Luis, kaya mapagkumbaba na lang niyang tatanggapin ang papuri ng kanyang boyfriend.

Dahil du’n ay pinakain na ng panlalait ng marami ang dalaga, mapagpanggap daw kasi siya, pero wala namang laman ang kanyang utak. Sa madaling salita ay bobo raw si Jessy.

Hindi krimen ang pagsablay sa Ingles. Kahit ang mga Amerikano ay namamali rin sa paggamit ng grammar at syntax, samantalang sariling lengguwahe na nila ‘yun, kinalakhan na ng kanilang dila.

Kahit sa kanilang mga kanta ay may sablay rin, tama ba ang “she don’t even know,” mali ‘yun pero dahil sa tinatawag na poetic license ay pinalulusot na nila ang ganu’n.

Si Jessy Mendiola pa ba naman ang hahanapan ng pagiging perpekto? Nakapatay ba siya para isumpa nang ganyan katindi? Aba naman!

vuukle comment

JESSY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with