^

PSN Showbiz

Kylie Verzosa pang-anim na Pinay na kinoronahang Miss International!

ABOUT SHOWBIZ - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Kylie Verzosa pang-anim na Pinay na kinoronahang Miss International!
Si Kylie habang kinokoronahang Miss International 2016

Boring ang nagkakaisang opinyon ng mga Pinoy sa coronation ng Miss International 2016 na naganap kahapon sa Tokyo, Japan.

Kung hindi lang kasali ang Pilipinas, walang magtitiyaga na panoorin ang beauty pageant na pinanalunan noon nina Gemma Cruz, Aurora Pijuan, Melanie Marquez, Lara Quigaman, at Bea Santiago.

May mga nagkomento na antok na antok sila habang pinapanood sa YouTube ang Miss International dahil bagay na bagay sa spa ang ginamit na music.

Nawindang din ang mga nanood sa YouTube dahil hindi nila naintindihan ang mga sinabi ng mga emcee.

Si Kylie Verzosa ang representative ng Pilipinas sa Miss International 2016. Kalokalike si Kylie ng sexy actress na si Meg Imperial kaya puwede sila na mapagkamalan na magkapatid.

Hindi uuwing luhaan si Kylie dahil siya ang bagong Miss International. Marami ang humanga sa bonggang speech ni Kylie tungkol sa cultural understanding, etc.

Si Kylie ang ika-anim na Pinay na nanalo ng Miss International crown.

Sobrang yaman na, Nanette Medved papasyal-pasyal na lang sa Kenya

Wala sa bansa si Nanette Medved na matagal nang nag-quit sa showbiz dahil priority niya ang pagiging asawa at nanay sa dalawang anak nila ni Chris Po.

Nagbabakasyon si Nanette sa Samburo, Kenya at nakakainggit ang lugar na pinuntahan nila ng kanyang mga kasama dahil napakaganda.

Kahit hindi na siya nag-aartista, active si Nanette sa mga charity work at sa mga advocacy niya. Tumutulong din siya sa mga negosyo ng kanyang asawa.

Nabasa ko kamakailan sa mga diyaryo na pag-aari na ng pamilya ng asawa ni Nanette ang isang sikat na pizza parlor na bilyun-bilyong piso ang halaga. Kung ako man ang nasa posisyon ni Nanette, tatalikuran ko rin ang showbiz dahil mas maganda at tahimik ang buhay niya ngayon.

Boyet wala sa hitsura ang edad

Birthday ni Christopher de Leon sa October 31 kaya babatiin ko na siya ng advance happy birthday.

Hindi ko na sasabihin ang edad ni Boyet na forever bagets ang itsura dahil marunong siya na mag-alaga ng katawan.

Mapapanood si Boyet sa The Escort ng Regal Entertainment, Inc. na mapapanood sa mga sinehan sa November 2 kaya ito ang birthday treat niya sa kanyang mga tagahanga.

Marami ang magagaling na aktor na mas bata kay Boyet pero ito pa rin ang Drama King ng Pilipinas. Wala nang puwedeng umagaw kay Boyet ng title niya sa local movie industry.

Janine Tugonon nganga sa Victoria’s Secret fashion show

Luhaan ang former Bb. Pilipinas Universe na si Janine Tugonon dahil hindi siya napili na makasali sa Victoria’s Secret Fashion Show.

Affected much ang mga supporter ni Janine dahil hindi mangyayari ang pangarap nila na ang first runner-up sa Miss Universe noong 2012 ang kauna-unahang Pinay na rarampa sa inaabangan na fashion show ng Victoria’s Secret.

Humingi ng paumanhin si Janine sa mga supporter niya.

“Sorry guys. Didn’t make it. Thank you though. Love you. U guys are d best. Was really sad but that’s life. Wud have been great if there’s a Filipina in VSFS..But oh well. Let’s keep working hard,” ang pralala ng former beauty queen na nagbuyangyang ng hubad na katawan sa pictorial para sa isang kalendaryo.

 

vuukle comment

KYLIE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with