^

PSN Showbiz

Kylie Verzosa nasungkit ang Miss International, kinabiliban nang mag-speech!

SEEN SCENE - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Kylie Verzosa nasungkit ang Miss International, kinabiliban nang mag-speech!
Kylie Verzosa

Mas matindi na ngayon ang pressure sa ating representative sa Miss World (Catriona Gray) and Miss Universe (Maxine Medina) matapos masungkit ni Kylie Verzosa ang korona sa Miss International coronation night na ginanap sa Tokyo, Japan kahapon. First runner-up si Miss Australia, second runner-up Miss Indonesia, third runner-up Miss Nicaragua and fourth runner-up Miss USA.

Ipinasa ang korona ng Miss International kay Kylie ni Miss Venezuela.

Bukod sa gandang rumampa, nagpakita ng galing si Kylie sa kanyang speech matapos mapasama sa Top 15.

“Three things come to mind when I think of Miss International – Culture, education and international understanding. These three works together to make the brand of the Miss International beauty pageant relevant to the global community and to our time.

“If I become Miss International 2016, I will devote myself to cultural understanding and international understanding because I believe that it is with developing in each of us sensitivity to other cultures that we expand our horizons, tolerate difference, and appreciate diversity.

“All these enable us to achieve international understanding. And I believe I’m prepared to take on this responsibi­lity.

“Domo arigatou gozaimasu. (Thank you.),” kabuaan ng speech ng bagong Miss International.

Klaro ang pagkakasabi niya at nakatulong siguro ang pagtungo-tungo habang nag-i-speech na tanda ng paggalang.

Bukod sa galing ng speech hinangaan din siya sa National Costume and Swimwear competition. Ang kanyang Filipiniana gown ay idinisenyo ni Francis Libiran.

Bago naman ginanap ang pageant, nakapag-selfie siya kay President Duterte na nagkataon naman nasa official visit sa Japan. “Today I am the luckiest!!! President Duterte at his state visit to Japan, felt at home with all the Filipinos. Thank you for all your good energy, thank you to everyone who made this possible. #missinternational2016 #rehearsalday

Tinalo ni Kylie ang 69 candidates mula sa iba’t ibang bansa.

Si Kylie ay graduate ng Business Management sa Ateneo De Manila University. Ayon sa website ng Binibining Pilipinas nagtrabaho rin siya bilang pre-school teacher at naging volunteer worker sa Natasha Goulbourn Foundation.

Second timer si Kylie sa Binibining Pilipinas. Nasa Top 15 lang siya noong isang taon. “When I made the Top 15 last year, I had a nice view of the other girls who won the crown but it was still very upsetting,” sabi sa interview noon na lumabas sa InterAksyon.com. Kaya nang muli siyang sumali, Miss Universe sana ang target niya.

AiAi hindi nangiming maging pokpok!

Ibang-ibang AiAi delas Alas ang mapapanood sa pelikulang Area.

Isang nagkaedad na pokpok ang ginampanan niya na nagkaanak sa Amerikanong nakaniig sa lugar na Area kung saan siya nakatira.

Lugar ‘yun ng mga bayarang babae na parang ordinaryong bagay lang ang pakikipag-sex sa mga nagpupunta sa lugar. At isa nga si AiAi sa mga babae na doon na halos nagka-edad.

Mabigat ang tema ng pelikula at madrama. Talagang maantig ka sa kalagayan ng mga  babae sa lugar.

Nakipagsabayan si  AiAi sa drama. Hindi siya nagpaiwan sa mga kasama niya sa pelikula na pawang magagaling lahat.

At hindi lang sa drama nakipagsabayan ang komedyana. Bakat na bakat din ang nipple ni AiAi sa isa sa mga eksena niya rito.

Maraming mga  bulgar na salita ang pelikula pero may pinatunayan sa ending.

Ang Area ay ginawa ni Ai bago pa man lumabas ang announcement na Papal Awardee siya.

Graded A ito ng Cinema Evaluation Board (CEB).

Kinarir ni AiAi ang pagiging celibate o wala munang physical contact sa kanyang  boyfriend na si Gerald Sibayan bilang pasasalamat sa Papal Award.

“One month na yata. Hindi naman mainit ang ulo ni Gerald. Sabi nga niya, ‘Alam mo, baby, parang gini-guide rin ako. Kasi dati, makita lang kita, gusto ko na agad.’

“Ngayon, hindi na. Parang nada-divert na. Salamat naman. Kasi siya ang mas concerned ko. Bata pa,” paliwanag ni AiAi na Hillary ang ginampanang role sa Area.

Eh paano kung sa ibang babae maghanap ng kaligayahan si Gerald?

“Ready ako. Ready na naman ako. Sinabi ko na kay God. Kung ano ang gusto Niya. Kaya nga minsan, sinasabi nila, Papal awardee ka na. ‘Akala ninyo ba, ano ito? Responsibilidad ito. Hindi ito basta-basta! Naku po, Diyos ko, responsibilidad ito,” pahayag niya.

Anyway, pinagkalooban ng Special Jury Prize sa ginanap na 12th Eurasia International Film Festival ang Area na showing na sa November 9.

Pia bet na bet ilaban si Liza sa Miss U

Ma-encourage na kaya si Liza Soberano na sumali sa beauty pageant ngayong maging si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach ay naniniwalang puwedeng-puwede siya. “I agree! She really has the beauty for it. She doesn’t even need to try! Natural!” comment ni Pia sa Instagram post ng beauty expert na si Jonas Gaffud.

Nabuhay ang tungkol sa isyung kering-keri ni Liza na maging beauty queen nang rumampa siya sa Star Magic Ball kung saan hinangaan siya sa ganda at husay sa pagkakadala ng gown na gawa ni Michael Cinco.

Hindi ito ang first time na nag-comment si Pia kay Liza.

vuukle comment

KYLIE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with