Tulak-droga utas sa shootout
NORTH COTABATO, Philippines - Isa na namang tulak-droga ang napatay makaraang makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya sa isinagawang buy-bust operation sa Purok-1, Barangay Cabayawa sa bayan ng Tubay, Agusan del Norte, kamakalawa ng gabi. Kinilala ang napatay sa legitimate operation ng pulisya na si Eugene Rosal Minguito, 27, binata, at residente sa nasabing lugar. Nabatid na nakatunog umano si Eugene na pulis ang kanyang ka-deal kaya pinutukan ang poseur-buyer subalit sumablay ito. Gayunman, gumanti ng putok ang pulis kaya napatay si Eugene na sinasabing nasa drug watchlist na hindi sumuko kahit pinaiigting na ang kampanya kontra droga. Narekober ang 3 plastic sachet ng shabu, cal. 38 revolver at ilang drug paraphernalia.
- Latest