^

PSN Showbiz

GF ni Derek, umekstra sa escort!

PIK PAK BOOM - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
GF ni Derek, umekstra sa escort!
Derek at Joanne

Kung maging si Derek Ramsay ay napapapikit at parang nahihiya nang ipakita ang mainit na bed scene nila ni Lovi Poe habang iniinterview siya ni Boy Abunda sa evening show nito, mas lalong dapat abangan at panoorin ang movie niya sa Regal na The Escort na inamin niyang pinaka-seksi niyang nagawa. Sina Lovi at Anne Curtis ang pinaka-seksing nakapareha niya sa kanyang mga pelikula.

Nang matanong kung ano ang reaksyon ng mas nakakabata niyang girlfriend na nagngangalang Joanne Villafranca sa paggawa niya ng mga sexy scenes, sinabi ng hunk actor na okay lang ito sa GF niya. Mas enjoy ito sa pangyayaring nagiging bahagi ito, gaano man kaliit ang role, ng mga movies na ginagawa niya. May eksena ito sa The Escort at nakasama rin sa Friends With Benefits nila ni Coleen Garcia na isa ring sexy movie.

Wala si Derek sa bansa sa Pasko. Pupunta sila ng pamil­ya niya sa Bali, Indonesia. Wish niya na makasamang muli ang kanyang anak dahil last Christmas pa sila huling magkasama. Fan niya ang anak and he gets to watch his films. Mahilig ang bagets sa mga gadget pero kapag magkasama sila ni Derek ay mas gusto ng ama na i-enjoy ng anak ang outdoor games.

Sa Dubai nag-aaral ang bata kasama ang kanyang ina. Appreciated ni Derek ang pagpayag ng ina nito na magkasama sila kapag may okasyon gaya ng Christmas.

Kaye iiwan na ang showbiz pagkakasal kay Paul Jake

Mukhang mababawasan tayo ng magaling na aktres sa gagawing pagpapakasal ni Kaye Abad kay Paul Jake Castillo. Maglalagi na kasi ito sa Cebu kung saan ay nakabase ang mapapangasawa niya pagkatapos ng kasal nila. Baka rin iwan na niya ang pag-aartista kapag may anak na. Kahit na malalayo na siya sa Kamaynilaan kung saan naroroon ang mga major TV stations and movie productions, sana ay huwag siyang patigilin ng mapapangasawa sa pag-aartista. Pumili na lang siya ng roles na puwede niyang gawin, pero huwag naman siyang mawala completely.

Helen hindi natiis ang serye

Buti naman at babalikan na ni Helen Gamboa ang kanyang pag-aartista. Kasama siya sa seryeng gagawin ng magkakaba­likang sina Kim Chiu at Gerald Anderson, ang Ikaw Lang Ang Iibigin na ididirek ni Dan Villegas.

Hindi lamang ang pagbabalik ni Helen sa paggawa ng teleserye ang ikatutuwa ng mga manonood kundi ang pagtatrabahong muli nina Kim at Gerald. Mga malalaking artista ang makakasama sa teleserye gaya nina Jake Cuenca, Bing Loyzaga, at Coleen Garcia na makakatambal din ng ka-loveteam ni Kim na si Xian Lim sa isang proyekto.

Pacman obvious na gusto pang maging pangulo?!

Nasa US na pala si Manny Pacquiao at nagti-training para sa susunod na laban niya sa boksing kay Jessie Vargas. Talagang sinadya niyang tapusin muna ang sesyon niya sa Senado bago lumarga para hindi mapulaan ng mga nag­lagay at bumoto sa kanya nu’ng nakaraang elek­syon. Mahirap nga namang isakripisyo niya ang pag­bo-boksing dahil ito ang nagbibigay sa kanya ng magandang buhay at hindi ang pulitika.

Obvious namang may mas mataas siyang am­bis­yon sa pulitika kaya gustong mapanatili ang ma­li­nis at magandang record niya bilang isang pubic servant.

Nagselos? Marian at Zia ginulat si Dingdong sa taping!

Marami ang nangamba sa ginawang pagbisita ng mag-inang Marian Rivera at Baby Zia sa set ng Alyas Robin Hood ni Dingdong Dantes. Natakot ang marami na baka nagsisimula nang magselos ang nagbabakasyong si Marian sa mga maiinit na eksena ng mister niya at ni Andrea Torres. Pero wala naman pala silang dapat ipag-alala. Talagang bumibisita lamang ang mag-ina at bakas sa mukha ng bida ng ARH ang malaking kasiyahan na makita ang pamilya lalo na ang kanyang anak.

vuukle comment

DEREK RAMSAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with