^

PSN Showbiz

Maja payag maka-triangle nina Kim at Gerald!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Maja payag maka-triangle nina Kim at Gerald!
Maja

Masaya raw si Maja Salvador sa muling pagtatambal nina Kim Chiu at Gerald Anderson para sa teleseryeng Ikaw Lang Ang Iibigin. Matatandaang si Maja ay naging matalik na kaibigan ni Kim noong magkarelasyon pa ang Kimerald.

Pagkatapos magkahiwalay nina Kim at Gerald ay si Maja naman ang naging kasintahan ng aktor na nauwi rin sa hiwalayan. “Ang sayang tingnan na lahat ay nag-grow na, lahat nag-heal na. Lalo na kay Kim, nakita natin lahat ng sakit na pinagdaanan niya but now sobrang woman na siya, na she’s accepting lahat ng challenges at wala na siyang paki kung may mag-bash sa kanya or what. Napaka-professional niya. I’m very happy kung anong klase ngayon si Kim. Sobrang strong niya ngayon at paganda din siya nang paganda. Sobrang masaya po ako,” nakangiting pahayag ni Maja.

Nagpapasalamat ang aktres dahil nanumbalik ang pagkakaibigan nila ni Kim kahit pa nagkaroon sila ng problema noon. “We are friends. I think okay na okay kami hindi lang like before na lumalabas kami but we’re friends,” giit ni Maja.

Kung mabibigyan ng pagkakataon ay wala ring problema sa dalaga kung magkasama-sama silang tatlo nina Kim at Gerald sa isang proyekto. “Kung maganda po ang story, bakit hindi? Tulad ng lagi naming sinasabi, trabaho is trabaho, maliit lang ang mundo namin, ‘yung ayaw naming katrabaho ay makakatrabaho namin. Ang daming pwedeng mangyari sa industriya namin at no choice kami. Kasi ang liit lang ng mundo namin at isa lang ang gusto naming lahat, ang makagawa ng isang magandang proyekto. Para mapasaya namin kayong lahat (na manonood),” pagbabahagi ni Maja.

Kaye at Paul Jake tatlong anak ang plano

Sa Cebu na maninirahan si Kaye Abad pagkatapos ng kanilang kasal ni Paul Jake Castillo na gaganapin ngayong December. Hindi na rin daw masyadong magiging aktibo sa showbiz ang aktres kapag nagkaroon na ng anak. “Siguro kapag may baby na hindi na ako siguro makakapag-regular show. Siguro guestings, ganyan. But we’ll see. Kung magiging flexible naman ‘yung schedule, basta kaya. Pero siyempre priority ‘yung family kasi matagal kong pinangarap ‘yung magkaroon ng sariling pamilya,” nakangiting bungad ni Kaye.

Ngayon ay pinag-aaralan na ng aktres ang salita ng mga Cebuano. “I’m not fluent pero nakakaintindi na. Kasi lahat sila do’n Bisaya eh. So when they talk nasanay na ako, naiintindihan ko na and I have to learn. Kasi they only speak Bisaya or English. Hirap sila sa Tagalog,” pahayag ni Kaye.

Mahigit dalawang taong magkasintahan sina Kaye at Paul Jake bago pa nagplanong magpakasal. Nangangarap si Kaye na magkakaroon sila ng tatlong anak ng aktor.

vuukle comment

KIM CHIU AT GERALD ANDERSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with