^

PSN Showbiz

Dating sexy star ninanakawan ang mga Pinoy na nagmamalasakit

SHOW-MY - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Ano nga kaya ang nangyayari sa isang dating sexy star na nangibang-bansa at nagiging problema ngayon ng mga kababayan nating nagmamalasakit lang naman sa kanya at naaawa?

May pinakahuling kuwento na naman tungkol sa dating nagpapaseksing personalidad na miyembro pa naman ng isang kilala at nirerespetong relihiyon sa ating bayan.

Sa isang lugar sa Amerika ay nagkalat na ang kahihiyan ng dating sexy star, makikitira siya nang ilang araw sa mga Pinoy, pero sa pag-alis niya ay nadidiskubre na lang ng mga kababayan natin na ninakawan sila ng female personality.

Bigla siyang mawawala, pagkatapos ay lilitaw na naman, kapareho rin nang dati ang kanyang drama sa mga Pilipinong nakikilala niya. Kesyo wala na siyang tirahan, kesyo pinalayas siya ng mister niyang Puti, punumpuno siya ng madadramang kuwento na pinaniniwalaan naman ng mga nakakausap niya.

Ang pinakahuling niloko ng dating sexy star ay isang nurse na Pinoy. Nakilala niya ito sa isang shop, kinausap niya ang nurse habang naggo-grocery, nagpapakilala siya. Kung bakit naman natatandaan siya ng ating kababayan!

Kuwento ng aming source, “Nu’ng umalis pala kasi sa ‘Pinas ang nurse, e, ‘yun naman ang panahong kilala ang sexy star! May mga ginagawa siyang movies, palagi siyang laman ng mga tabloids!

“So, nakumbinse niya ang nurse na makikitira muna siya, huwag daw mag-alala ang nurse, dahil papalitan niya naman ng serbisyo ang pakikitira niya.

“Ganu’n nga ang nangyari, nagsipag naman siya, nagmistula siyang maid-of-cotton ng nurse. Nakahanda na ang food niya paglabas ng ospital, malinis ang kanyang bahay, areglado ang lahat-lahat!

“Pero heto na. Nu’ng nakuha na niya ang tiwala ng nurse, naganap na ang milagro! Nagulantang ang nurse one morning, wala na ang dating sexy star, tangay-tangay na ang mga alahas niya!

“At hindi lang ‘yun! Pati ang mahahalaga niyang kitchenwares, tinangay rin ng hitad, kaya sising-sisi ang kababayan natin kung bakit siya pinagkatiwalaan,” kuwento ng aming impormante.

Ubos!

Alden mas busy sa negosyo, sawa na sa mga paninira

Wala na sigurong naisip na pambira kay Alden Richards ang mga walang magawa sa buhay dahil hindi sila pinapatulan ng guwapong aktor. Deadma lang ang Pambansang Bae sa kanilang mga banat at upak.

Nakasentro ang utak ng singer-actor sa kanyang career, sa pagpapaunlad ng kanyang negosyo (Concha’s restaurant) na may ikalawang branch nang itinatayo sa Kyusi, walang panahon si Alden sa mga bagay na hindi naman makadadagdag sa kanyang trabaho at pagkatao.

Nu’ng wala nang maibutas sa kanya ang mga ito ay ang kanyang mga kasamang beki naman ang napagtuunan ng mga walang magawa, masamang impluwensiya raw sa kanya ang mga bading, kaya ganyan na rin ang ugali ngayon ng Pambansang Bae.

Walang pumipintas sa ugali ni Alden, siya nga lang yata ang artistang sumikat at nagtagumpay na ikinaligaya ng kanyang mga kapwa artista, mabuting tao kasi si Alden kaya tuluy-tuloy ang dating sa kanya ng suwerte.

Wala na lang makitang palso sa kanya ang mga hindi maligaya sa kanyang tagumpay kaya ganyan ang ginagawa ng mga ito, kahit ano na lang ay ipupukol laban sa kanya kahit imbento lang ang kuwento, basta masira lang ng mga ito ang kanyang pangalan.

Tao lang naman si Alden Richards na naaapektuhan din paminsan-minsan ng mga isyung walang katotohanan pero ipinaaako sa kanya. Pero kahanga-hanga pa rin ang kanyang ugali, ang pagiging edukado ng actor-singer, bibihira ang katulad ni Alden Richards na nasa ituktok na ng tagumpay pero nananatiling mapagkumbaba.

Good breeding at values ang tawag du’n. Mga katangiang hindi nabibili nang kahit magkano, hindi puwedeng makita sa mall at sa palengke, nasa pagkatao ‘yun.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with