^

Punto Mo

‘Inutil na komite’

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Ben Tulfo - Pang-masa

MASAYANG-masaya ngayon si Sen. Leila de Lima. Pinal nang sinabi ng mayorya sa Kongreso, hindi sila magsasampa ng kaso laban sa senadora.

 Ang kanilang imbestigasyon daw kasi o ‘yung mga isinagawa nilang serye ng congressional hearing, “in aid of legislation” lang. Hindi raw nila trabaho ang magsampa ng kaso kundi trabaho ng DOJ at Ombudsman.    

 ‘Ni magrekomendang magsampa hindi rin daw nila gagawin. Kaya si De Lima, nagdiriwang at nang-iinsulto pa. Anlalakas daw ng Kongreso na mag-imbestiga pero hindi naman daw pala magsasampa.  

 Siya pa tuloy ngayon ang nag-aakusa. Puro kasinungalingan lang daw ang sinasabi nilang ebidensya.   

 Pero kung nangyari ito sa panahon ng dating administrasyon kung saan ang iniimbestigahan hindi nila kapartido, siguradong nakakulong na ngayon.

 Patong-patong na kaso na ang isinampa nila at malamang mismong Kongreso pa ang nanguna sa pagsasampa.

 Tulad ng sinapit ni dating President Gloria Arroyo sa panahon ng mga dilaw noon ganundin ang mga senador na isinangkot sa PDAF scam.

 Sabagay, ano pa nga bang aasahan mo ngayon kay Cong. Reynaldo Umali na tserman ng House committee on Justice?  

Shooting buddy ni dating Pres. BS Aquino na katsokaran ni Sen. De Lima. Mga naghahari-harian noon na biglang kumambyo nang si Duterte ang nanalong Presidente.

• • •

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa iba pang mga palabas, mag-subscribe sa BITAG OFFICIAL YouTube channel.

vuukle comment

SEN. LEILA DE LIMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with