^

Police Metro

3 pinagbabaril ng sariling kapatid

TAKE IT TAKE IT! - Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang magkapatid habang nasa kritikal na kalagayan ang isa pa nilang kapatid matapos na sila ay pagbabarilin ng kanilang sariling kapatid at kasama nito kamakalawa ng hapon sa terasa ng kanilang bahay sa Brgy. Bucal, Maragondon, Cavite.

Ang dalawang nasawi ay kinilalang sina Normida Quion Anglo, 59, nurse, residente ng 127 Silangan 1, Rosario, Cavite at Leonilo Anglo Angue 49, OFW, residente ng Brgy. Amaya, Tanza, Cavite. Habang ang nasa kritikal na kondisyon si Rizaldy, 57, ng nasabing lugar.

Naaresto agad ang suspek na kanilang kapatid na si Gina, 55, may-asawa, residente ng Brgy. Mabolo Naic, Cavite, habang nakatakas ang kasama nito na si Venchito Sabas, 60, ng Naic, Cavite.

Batay sa ulat, bago nangyari ang krimen dakong alas-3:15 ng hapon ay dumalaw ang mga biktima sa nasabing lugar at nasa terasa sila at nagkukuwentuhan nang duma­ting ang dalawang suspek at inungkat ang mana at pension na natatanggap ng mga ito.

Dito na nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang magkakapatid hanggang sa napikon ang suspek na si Gina na nagbunot ng baril at pinagbabaril ang mga kapatid na sina Normida at Leonilo.

Lumabas mula sa likuran ng bahay si Rizaldy upang awatin si Gina, subalit binaril din siya nito at kahit na sugatan ay nagawa nitong makatakbo at humingi ng tulong.

Naitakbo sa ospital ang tatlong magkapatid na ang dalawa sa kanila ay idineklarang dead on arrival.

vuukle comment

PAGBABARILIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with