^

PSN Showbiz

Alaala ng Iron Lady of Asia nasa KMJS

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ngayong Linggo (October 2) isang tribute ang handog ng Kapuso Mo, Jessica Soho sa yumaong dating Senador Miriam Defensor Santiago. 

Binansagan si Miriam na Iron Lady of Asia dahil sa laban niya kontra graft and corruption. Kilala rin siya sa kanyang maaanghang na pananalita, quotable quotes,  at pick-up lines. Kaya naman sa kanyang pagpanaw nitong Huwebes matapos ang dalawang taong pakikipaglaban sa lung cancer, nagluluksa ang buong bansa.

Ngayong Linggo, babalikan ng KMJS ang mga hindi malilimutang sandali at mga pinakawalang salita ng Senadora, kasama na ang panayam sa kanya noong 2014 ni Jessica Soho kung saan pinag-usapan nila ang sari-saring paniniwala ni Miriam mula sa kanyang pamilya, ang iiwanan niyang legacy, at maging ang pagtingin niya sa kamatayan.

Samantala, may bagong mukha sa Wowo­win. Sa dalawang beses na nag-guest siya sa programa, nakuha ni Super Tekla o Romeo Librada sa totoong buhay ang kiliti at simpatya ng publiko.

Sa Lagro, sikat na sikat ang isang pan de sal vendor na araw-araw naka-costume habang naglalako. Sa Davao City naman, maki-angkas sa grupo ng bikers na kakaiba raw ang sound trip. Sisilipin din ng programa ang latest craze ngayon sa social media, ang Pen Pineapple Apple Pen.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with