^

PSN Showbiz

Sharon lab na lab ang boyfie ni KC!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Ang picture niya pala kasama ang anak na si KC Concepcion at boyfriend nitong si Aly Borromeo ang nabasa ng followers ni Sharon Cuneta sa social media na “KTINA! TAG ME TAG MEEEEE! Hahahahaha! I looooooved spending time with you and ze bebe boy this whole evening. Miss you al”

Naka-post sa Instagram ni KC ang picture nilang tatlo at puro positive ang comments ng kanyang followers. Kung ang fans lang ang masusunod, gusto na nilang magpakasal ang dalawa dahil feeling nila, si Aly na ang “the one” para kay KC.

Sa presscon ni Sharon para sa Sharon, her two-night concert at the Theater Solaire sa Solaire Resort & Casino sa October 15 & 22, natanong siya kina KC at Aly. Sabi nito masaya siya sa relasyon ng dalawa.

Sa interview pa rin kay Sharon, tinanong siya kung ano ang mga nire-request niya ‘pag nasa hotel siya prior to her concert.

“I usually ask bottled water, pre­ferably Evian. Room temperature, hot tea and I bring my own Pei Pa Koa (throat candy). I would ask for a simple and ask a lot of fruits and blue cheese. Apricot preserve (jam) or strawberry, crackers and coffee. Some soft drinks and hot water,” sagot nito.

Benjamin dinadaan sa tula ang pagmamahal kay Julie Anne

Ang sweet na boyfriend ni Benjamin Alves dahil sa first taping day ni Julie Anne San Jose, nag-tweet ito ng, “Guys, let’s all wish @MyJaps good luck on her long first day of taping for #PinulotKaLangSaLupa. Kaya mo yan Santina.”

Magkasama sina Benjamin at Julie Anne sa bagong afternoon soap ng GMA 7, pero naunang mag-taping si Julie Anne at si Martin del Rosario ang kaeksena.

Samantala, marami ang kinilig sa palitan ng poems nina Benjamin at Julie Anne para sa isa’t isa na may title na Four. Inakala ng mga nakabasa na ang four ay patungkol sa tagal na ng kanilang relasyon, as in, four months na sila.

Sa nabasa naming poems ng dalawa, parang mas expressive si Benjamin. May line sa kanyang poem na, “I spend my days making up excuses just so I can see you. Even to go as basic as making sure you’re eating,” at “And I can’t even think of hurting you and if anyone ever tried to I’d throw hands, just so these ass----s  would know what I’d be willing to do.”

Wish ng mga nagmamahal kina Benjamin at Julie Anne na may forever sa kanilang dalawa.

Tsuperhero ni Derrick, idea ni Michael V

Concept pala ni Michael V para kay Derrick Monasterio ang Tsuperhero, kaya malaki ang pasasalamat ni Derrick sa kanya. Tapos, kasama pa si Michael V sa cast ng comedy show na kinabibilangan din nina Gabby Concepcion, Alma Moreno at Bea Binene na leading lady ni Derrick.

Noong isang araw, may immersion si Derrick para mas mahusay na magampanan ang role ng isang jeepney driver. Namasada siya ng jeep sa Pandacan at nagulat pa ang mga sumakay nang malamang artista ang driver.

Angel panay ang celebrate ng pagmamahal

As per Angel Locsin’s post sa kanyang Instagram (IG) account, tapos na ang shooting nila nina Sam Milby at Zanjoe Marudo ng Star Cinema movie na The Third Party. Kaya tuloy na tuloy ang showing ng movie ni Direk Jason Laxamana sa October 12 sa maraming sinehan.

Ang sipag niyang mag-promote ng The Third Party sa IG at hindi lang ang sarili ang ipino-promote, kundi maging ang main cast at may picture pa ni Direk Jason. Tuwing may post siya about the movie, nilalagyan niya ng hashtag na “#cele­bratelove.”

Inamin ni Angel sa presscon ng movie na hindi niya genre ang light comedy at may gay angle pa. Pero dahil kina Sam at Zanjoe at sa guidance ng kanilang director, maayos niyang nagampanan ang role ni Andi na ang ex-boyfriend ay naging beki at may BF na beki rin.

Ang saya ng mga eksena ng tatlo sa trailer pa lang at tiyak na marami ang makaka-relate. Kaya ‘wag kalimutan sa Oct. 12 na ang simula ng showing nito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with