^

PSN Showbiz

Charice at GF nagpa-planong magkaanak!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Hindi big deal ang plano ni Charice Pempengco at ng kanyang girlfriend na si Alyssa Quijano na magkaroon ng anak, balang araw.

Hindi naman sina Charice at Alyssa ang kauna-unahang gay couple na na­ngarap na maging mga magulang.

Maraming bading at tomboy na mag-dyowa ang nag-ampon ng mga bata na itinuring nila na mga tunay na anak dahil sa kanilang kagustuhan na bumuo ng isang pamilya.

Area ni AiAi nakasungkit ng special jury sa Eurasia International Filmfest

Nanalo ng Special Jury Prize sa 12th Eurasia International Film Festival ang Area, ang pelikula na starring si AiAi delas Alas at sa direksyon ni Louie Ignacio.

Hindi man siya nag-win ng best actress award sa unang international film festival na sinalihan ng kanyang pelikula at dinaluhan niya, happy si AiAi sa parangal na ibinigay sa Area.

Sapat na  para kay AiAi ang mga pagbati na natanggap niya mula sa mga foreign director at au­dience na pinuri ang pagganap niya bilang Hillary, ang pokpok na matanda na pero nagpapa-booking pa rin dahil sa matinding kahirapan.

Isa sa mga bumati kay AiAi ang direktor na si Miriam Heard ng Chile. Nagustuhan ni Miriam ang acting ni AiAi sa Area kaya ang Comedy Queen ang bet niya na mag-win na best actress.

Alden nag-ikot sa Harry Potter studio

Ang Harry Potter Studio sa United Kingdom ang isa sa mga unang pinuntahan ni Alden Richards.

Fan ni Harry Potter si Alden kaya isiningit niya sa kanyang London trip ang pagpunta sa Harry Potter studio.

Umiral ang pagiging bagets ni Alden habang iniikot ang malawak na theme park ng Harry Potter dahil katuparan ito ng dream niya na marating ang nasabing lugar.

Business with pleasure ang London trip ni Alden dahil nakapamasyal  na siya sa mga tourist spot sa London, napasaya pa niya ang mga kababayan natin na doon nagtatrabaho at naninirahan.

Yassi sasabak sa Miss World

Enjoying the best of both worlds si Yassi Pressman na napapanood sa Ang Pro­binsyano ng ABS-CBN at ngayong gabi, masisilayan sa dating home studio niya, ang GMA 7, dahil co-host siya ni Richard Gutierrez sa coronation ng Miss World Philippines 2016.

Delayed telecast ng coronation night ng beauty with a purpose pageant ang mapapanood sa Kapuso Net work na matagal na naging tahanan ni Yassi bago ito pumirma ng kontrata sa Viva Artists Agency.

Hindi nagkamali si Yassi sa kanyang desisyon na sumali sa Pinoy Big Brother dahil ito ang naging daan para mabigyan siya ng guestings sa mga programa ng ABS-CBN.

Sex video ni Sen. De Lima pinandidirihan

Nakausap ko na ang isang tao na malapit kay Buhay Party List House Re­presentative Lito Atienza.

Kinumpirma ng ‘confidante’ ni Papa Lito na napanood umano ng aking favorite congressman at former Manila City mayor ang alleged sex video ni Senator Leila de Lima.

Ang sey ng source ko, hindi inirerekomenda ni Papa Lito na panoorin o ipakita sa publiko ang sex video dahil hindi ito maganda sa paningin. Sa madaling-salita, pangit ang kontrobersyal na video kaya hindi ito dapat ipakita sa madlang-bayan.

Sa mga walang respeto sa sarili at sa kababaihan na atat na mapanood ang video, gamitin n’yo na lang ang inyong mga imahinasyon para mawalan kayo ng gana. Paulit-ulit at dalasan ninyo ang panonood sa hysterical presscon video ni De Lima para makaramdam kayo ng konting kahihiyan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with