^

PSN Showbiz

Nawalang cellphone may kapalit na boyfriend sa Magpakailanman

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ngayong Sabado sa Magpakailanman, tunghayan ang nakakakilig na love story nina Rowena at Jaypee, kung paano sila nagkakilala at nag-kainlaban sa isa’t isa sa pambihirang sitwasyon at kung paano nila naipaglaban ang kanilang pag-iibigan.

Na kay Rowena na raw noon ang lahat pero hindi naman daw sa pagiging materialistic, ang kulang na lang daw sa buhay niya ay cellphone na touch screen. Kaya pinag-ipunan niya ito. Mukhang may hatid pang swerte ang kanyang cellphone dahil after two months ay nagkaroon siya ng love life. Nakilala niya ang lalaki na seaman. Pero matapos ang anim na buwan, ang kanyang boyfriend ay bigla na lang daw hindi nagre-reply sa texts or tawag niya.

Bukod sa pagiging broken hearted ay isang pangyayari ang nagpasakit lalo sa kanyang damdamin nang hindi kinalaunan ang kanyang pinag-ipunang cellphone ay na snatch sa jeep (October 2012).

Sa Facebook ay biglang may nag message sa kanya. Kaya nag-eyeball na sila kaya nakilala niya nang personal si Jaypee na nakakuha raw ng kanyang cellphone.  Napunta raw kay Jaypee ang cellphone ni Rowena ng tumama sa ending ng basketball ang kanyang ama noong November 2012 at ang pa-premyo ay cellphone.

Tunghayan ang makulay nilang love story na ginagampanan nina Joyce Ching at Kristoffer Martin. Kasama rin sina Ina Feleo, Maricris Garcia, Juancho Trivino at Pekto.

Mula sa direksyon ni Rechie del Carmen, huwag palampasin ang Magpakailanman ngayong Sabado pagkatapos ng Pepito Manaloto sa GMA7.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with