^

PSN Showbiz

ABS-CBN sports head, pasok sa pinakamalaking martial arts summit sa Asya

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ibinandera ni ABS-CBN Integrated Sports head Dino Laurena ang industriya ng mixed mar­tial arts (MMA) sa bansa bilang panelist sa Asia MMA Summit, ang pi­nakamalaking pagtitipon ng martial arts industry leaders sa Asya na gina­nap sa Singapore.

Ibinahagi ni Laurena ang kanyang kaalaman sa marketing at sports sa isang session tungkol sa live sports in Asia, kung saan ipinaliwanag niya ang papel ng live sports sa kinabukasan ng broadcast television sa Asya, kasama ang executives mula Fox Networks Group at PKE Partners.

 “Ang sports ang unang reality-TV. Ang emos­yon ng viewer pag pinapanood ang sports ay of-the-moment kaya napakahalaga na matunghayan ang bawat aksyon sa isang sports ng live dahil tunay itong nangyayari,” ani Laurena.

Sa ilalim ng pamumuno ni Laurena, nabuo ang partnership ng ABS-CBN kabilang ang Universal Reality Combat Championship (URCC) at One Championship, dalawa sa pinakabigating MMA promotions sa Asya para sa pag-ere ng MMA events sa ABS-CBN sports channels na Sports + Action (S+A) sa free TV at sa Sports + Action HD sa cable TV.

 Sa bansa, mas pinapatindi ng broadcast media ang coverage sa mixed martial arts mula nang maging isang mainstream sport ito noong mid-2000s na pinangunahan ng ABS-CBN.

Pinapalabas din ng S+A ang Fight Farm, ang unang locally-produced MMA docu-reality TV series na tampok ang makulay na pagla­lakbay ng ilang amateur MMA fighters at kung paano nila nalalampasan ang mga hamon para magbigay ng inspirasyon sa Filipino sports fans at TV viewers.

 Nagpapatibay din sa pangako ng ABS-CBN na itaguyod ang MMA sa bansa ang paglahok ni Laurena ngayong taon sa Asia MMA Summit, kung saan nagkaisa ang game changers sa mundo ng martial arts mula athletes pati leaders ng media companies.

Kamakailan lang, muling igniit ni Laurena ang layunin ng ABS-CBN na ipanalo ang atletang Pinoy at itaguyod pa ang sports development sa Pilipinas.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with