^

PSN Showbiz

Probinsyano may paandar na concert para sa anibersaryo

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Habang mabilis na nangangawala ang mga guest sa FPJ’s Ang Probinsyano, heto si Yassi Pressman at patuloy pa rin ang character sa serye. Nagawa siyang iligtas sa kamatayan ni Cardo (Coco Martin) na balak ipalasap sa kanya ni Erwin/Eric (Paulo Avelino). Nagawa pa siyang mapagyaman ng ama niyang si Joel Torre na may link pala sa namatay na ama ng kambal na sina Ador at Cardo na anak naman ng kapitana na ginagampanan ni Susan Roces. Si Tonton Gutierrez ang ama ng kambal na pulis.

Nakapagdiwang na ng kanyang unang anibersaryo ang tinataguriang undisputed box-office series sa TV. Sa kanyang pagdaraan sa ikalawang taon, malalaman na ang buong kuwento ng mga characters na dati ay nababanggit lamang sa kuwento tungkol sa kapulisan na nagbibigay ng dangal sa bansa.

Bilang pagdiriwang ay magkakaroon ito ng anniversary concert sa Araneta Coliseum sa October 8 with even the non-concert stars of AP in attendance. Like Vina Morales, Bela Padilla, McCoy and Elise, Ayen Munji Laurel, Casar Montano, Richard Yap, Vice Ganda, Angel Locsin, Ogie Alcasid, Morisette Amon, at marami pa.

Kasama sa pagpaplano sina Coco at Susan pero, si Susan ay nagsabi na baka manood lamang siya since sinabi niya na nang magsabog ang Diyos ng boses sa mundo ay nakatikom ang bibig niya. Ang gumaganap na sidekick ni Coco sa AP na si Pepe Herrera ay siguradong may performance, ganundin sina Agot Isidro, Mak-Mak at Onyok.

Sa presscon ng teleserye ay nabatid ng lahat na noong kabataan ni FPJ  ay dumobol ito sa ilang mga action star, pati na sa mga babae na tulad nina Celia Fuentes at Lilia Dizon.

Masaya rin ang cast dahil nanalo ng Best Supporting Actor si Arjo Atayde na kontrabida sa serye ni Coco, kasama nina Albert Martinez at Eddie Garcia. Most of all, kampante ang lahat dahil nagpapamalas ang programa ng pagtatagumpay ng kabutihan laban sa kasamaan.

Zanjoe wala pang mahanap na kapalit ni Bea

Kung madaling nakabawi si Bea Alonzo sa hiwalayan nila ni Zanjoe Marudo sa katauhan ni Ge­rald Anderson, si Zanjoe ay pilit umiiwas na ma-involve sa isang bagong romansa. Sa trabaho na lang muna siya, hahayaan na niyang magkaroon ng reconciliation ang kanyang ex sa nakahiwalayan nito na si Gerald bagaman at wala pang kumpirmasyon dito si Bea.

Masaya na si Zanjoe na makasama ang kapwa niya Kapamilya actor na si Sam Milby na siya niyang karelasyon sa bago niyang movie. First time nila ito pareho sa ga­ni­tong klase ng pelikula at enjoy sila sa mga ipinagawa sa kanila. Hindi na nila inisip kung ano ang iisipin ng manonood sa kanila for their roles, sapat nang mabigyan nila sila ng kasiyahan sa kanilang panonood.

Sarah tututukan muna ang first love

Sa pagbabalik ni Sarah Geronimo mula sa kanyang bakasyon, wala munang pelikula o palabas sa TV siyang gagawin. Pagtutu­unan muna niya ng pansin ang kanyang pagkanta. Inaamin naman niya na hindi niya ga­anong napagtuunan ng pansin ang mga nakaraan niyang album. Basta ginawa na lamang niya ang mga ito at hinayaan ang kanyang ka­sikatan na magdala nito pero babaguhin niya ang ganitong sistema sa kanyang pagbabalik. Talagang tututukan niya ang promosyon ng album. Kakanta siya at talagang pipilitin na mapasikat ang mga naka­­palaman dito. Sa pagkanta siya unang nakilala, sa pagkanta rin niya balak na ibalik ang paghanga nila sa kanya.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with