^

PSN Showbiz

AIAI naiyak nang dumugin sa Kazakhstan

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Kararating lang ni Alden Ri­chards ng London at nagha­handa na sa kanyang concert sa Linggo na pinamagatang At Last in London.

Kasama ni Alden dito ang mga ta­lented Pinoys na namayagpag sa Britain’s Got Talent na si Zyrah Rose, ang pianistang si Kate Torralba at ang grupong Spoon 21 na finalist sa X Factor ng Hungary.

Paubos na raw ang mga ticket at inaasahang sold-out na ito ‘pag nalaman ng mga kababayan nating dumating na ang Pambansang Bae.

Ilang araw lang dito si Alden, pero may usapan pala sila ni Maine Men­doza na pumunta rin ng London bandang end of October at personal na lakad lang daw nila ito. Pupunta sila ng London at tutuloy sila ng Germany.

PAK: “We’re hanging out” ang nasabi ni Kianna Valen­ciano nang tanungin siya tungkol sa kanila ni Sam Concepcion. Hindi raw niya akalaing magiging close sila.

Sinagot ng dalaga nina Gary Valenciano at Angeli Pa­ngilinan sa launch ng single niyang Circles ang isyu sa kanila ni Sam at pati na rin ang hiwalayan nina Gab Valenciano at Tricia Centenera.

Apektado nga raw ang buong pamilya sa hiwala­yan ng mag-asawa dahil bahagi na rin naman daw ng pamil­ya si Tricia at close raw ito sa kanya.

Inu-open naman daw sa kanya ni Gab ang problema nilang mag-asawa pero alam niyang may ilang bagay na hindi na raw sinasabi sa kanya dahil maa­ring pinuprotekta­han naman daw siya bilang younger sister. Ang mommy at daddy raw niya ang nakaalam ng lahat.

BOOM: Proud na proud si AiAi delas Alas sa pelikula niyang Area na pinuri nang husto sa world premiere nito sa Eurasia International Film Festival na ginanap sa Almaty, Kazakhstan.

Mula airport ay deretso na ang Comedy Queen sa world premiere at naabutan pa raw niya ang kalagitnaan ng pelikula. Ramdam niya ang papuri ng mga nakapanood, at first time raw niyang nakadalo sa ganung international film festival na meron daw palang question and answer portion pagkatapos ng screening.

Bahagi ng statement ni AiAi na ipinost sa kanyang Instagram account; “Nakakataba ng puso at ganun pala ang pakiramdam ng niyayakap ka at pinalakpakan ng mga hindi mo kalahi, pero sa sobrang appreciation nila mahigpit at genuine at sincere ang mga yakap nila sa ‘yo.

“May mga umiiyak or naluluha pa habang niyayakap nila ako and hindi ko ma-explain ang nararamdaman ko.”

Hindi raw niya napigilang maiyak sa mainit na pagtanggap sa kanilang pelikula.

Kaya malaki ang kumpiyansa ng mga bumubuo ng Area na maiuuwi nila ang award lalo na ang Best Actress trophy para kay AiAi.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with