^

PSN Showbiz

Coco ayaw mausog sa MMFF movie nila ni Vice!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Ang pag-amin ng isang movie producer na hindi nakakatulong sa promo ng mga pelikula, concerts at television shows ang mga showbiz blogger dahil mas malaki pa rin ang kontribusyon ng legitimate entertainment writers sa success ng kanilang mga proyekto. Sinabi ng movie producer na nababasa rin naman sa mga entertainment website ang mga isinusulat sa diyaryo ng mga legit showbiz journalist.

SCENE: Via normal delivery ang pagsisilang kahapon ni Toni Gonzaga kay Baby Severiano Elliott sa St. Luke’s Medical Center, Global City. Nag-umpisa na makaramdam si Toni ng contractions nang dumalo siya noong Martes sa red carpet premiere ng My Rebound Girl.

SEEN: Dinadagsa ng mga nakikiramay ang burol ng mga labi ni Senator Miriam Defensor Santiago sa Immaculate Conception Cathedral, Cubao, Quezon City. Kumpleto ang attendance ng mga news reporter ng lahat ng mga television network.

SCENE: May mga pumalag sa sinabi ng asawa ni Senator Miriam Defensor Santiago na “‘Yung pagmamahal at pagpuri sa kanya, sana nagawa nu’ng buhay pa siya.”

Kung naging mapagmasid si Narciso Santiago, malalaman niya na noon pa hinahangaan at pinupuri ang talino at pagmamahal sa bayan ng kanyang namatay na asawa.

SEEN: Playing safe si Coco Martin dahil ayaw nitong kumpirmahin kung kasali  sa Metro Manila Film Festival 2016 ang pelikula na ginagawa nila ni Vice Ganda.

“Hopefully” ang sagot ni Coco.

SCENE: Dalawang Camp Sawi girls ang napapanood sa Ang Probinsyano, si Yassi Pressman at si Bela Padilla na sorely missed ng loyal viewers ng primetime show ni Coco Martin sa ABS-CBN. Inaabangan ang pagbabalik ni Bela sa Ang Probinsyano.

SEEN: Bawal mapuyat ang mga child actor, ayon sa batas na ipinatutupad ng Department of Labor and Employment kaya maagang umalis sina Simon Pineda at McNeal Briguela sa thanksgiving presscon noong Miyerkules ng Ang Probinsyano.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with