^

PSN Showbiz

Dating miyembro ng sikat na banda, tumandang ganid at suwapang!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Dapat pala’y hindi muna maghihiwa-hiwalay ang magkakaibigang bumubuo sa isang maliit lang na grupo sa mundo ng musika. Ilang dekada na silang magkakasama at nagtagumpay sila pero hindi pa pala sila magkakakilala.

Nu’ng una ay maayos na maayos ang kanilang tropa, pantay-pantay ang hatian nila sa kanilang mga kinikita, walang kuwestiyon sa kung sino ang mas sikat sa kanila.

Pero habang tumatagal ang grupo ay merong napansin ang mga nakapaligid sa kanila, meron nang isang gustong makalamang sa kanyang mga kasama, kung piso ang TF ng kanyang mga kaibigan ay kailangang mas malaki ang para sa kanya.

Kuwento ng aming source, “Nu’n na nagsimula ang hindi nila pagkakaintindihan. Tumanda na nga naman sila sa grupo, pero hindi pa rin pala nila kilala ang isa’t isa.

“Hindi naman materyoso ang mga kasamahan ng musikerong gustong mas malaki ang kanyang kikitain, mababait naman sila at madaling kausapin, kaya lang ay nalaman pa nila ang problema mula sa ibang tao.

“Hindi pa sila diniretso ng kasamahan nila, hindi pa sila pinrangka, kinailangan pang mga kapwa nila musikero ang magsabi sa kanila na ganu’n pala ang gustong mangyari ng kasamahan nila sa grupo,” kuwento ng aming impormante.

Mula nu’n ay hindi na sila masyadong nakikitang magkakasama, huminto na rin ang mundo ng pagbubuo ng magagandang piyesa para sa kanila, pilit na pilit na ang kanilang performance kapag naiimbitahan sila sa malalaking okasyon.

“Tinatabangan na ang mga kasama niya, hanggang sa isang araw, nabuwag na pala ang grupo. May mga pumapasok pang bookings para sa kanila, pero wala nang interes ang mga kasamahan ng member na ayaw pumarehas ng kinikita sa mga kaibigan niya.

“May fallback naman ang mga kaibigan niya, napaghandaan nila ang pagkawala ng grupo nila, pero ‘yung member na hindi parehas kung lumaban, napaka-nega niya ngayon. Maraming nagagalit na netizens sa kanya dahil sa bagong linyang pinasukan niya,” pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Bago maging Kapuso, Kris gustong mamirata ng cameraman!

Sana’y matagpian na ang kung anumang problemang meron ngayon si Kris Aquino sa pakikipagtrabaho niya sa APT Entertainment para huwag mabantilawan ang paghihintay sa kanyang pagbabalik ng ating mga kababayan.

Huwag nating husgahan ang pag-alis ni Kris sa ABS-CBN (o siya ang pinagsaraduhan na ng pintuan?), anuman ang sabihin natin ngayon ay meron na siyang captive audience, ‘yun ang mga taong kinasanayan na ang pagtutok sa aktres-TV host anumang programa ang kanyang pagbidahan.

Pero ang urung-sulong na taping ni Kris para sa bago niyang programa na ipalalabas sa GMA-7 ay nakakaalarma. Nasaan ba ang problema kung bakit hindi sila makakilos nang tuluy-tuloy?

Totoo ba ang nakarating na impormasyon sa amin na may isang cameraman na kabisado na si Kris na gusto niyang makasama sa kanyang bagong show pero hindi pa rin nakukuha ng produksiyon ang serbisyo nito hanggang ngayon?

May kamahalan daw kasi ang talent fee ng cameraman, pinag-uusapan pa raw hanggang ngayon kung makakaya nitong iwanan ang iba nitong trabaho para si Kris lang ang kanyang tututukan, ‘yun na nga lang ba ang kulang para maging maayos at tuluy-tuloy na ang pagtatrabaho ni Kris sa APT?

Sana nga, habang buhay na buhay pa ang entusiyasmo ng publiko para sa kanyang pagbabalik ay makabuo na ng show si Kris, mahirap pagtagalin ang bagong sitwasyong kinaroroonan niya, baka isang araw ay bumitiw na sa kanya ang manonood.

Sikat pa rin si Kris Aquino, hindi matatawaran ang kanyang kapasidad sa pagho-host, pero sa kabila nu’n ay nakakaalarma pa rin kung bakit siya pinakawalan at hindi hinabol ng ABS-CBN sa kanyang paglipat ng kuwadra.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with