^

PSN Showbiz

Wig ni Sec. Aguirre kailangan ng tulong ni Arnell!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Ininsulto ni Senator Leila de Lima ang wig o fake na buhok ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre.

Nang malaman ko ang pang-ookray ni De Lima kay Secretary Aguirre, si Arnell Ignacio ang naisip ko.

Si Arnell ang owner at founder ng Creative Hair Systems. Specialty ng kompanya niya ang mga wig na parang totoong buhok ang quality.

Kung patuloy na iinsultuhin ni De Lima ang wig ni Aguirre, ipapayo ko sa secretary ng Department of Justice na hingin ang tulong ni Arnell dahil expert ito sa mga wig.

I’m sure, malaki ang maitutulong ni Arnell kay Aguirre para mabigyan ito ng bagong wig na babagay sa itsura niya at para matigil na ang pang-aalipusta sa kanya ni De Lima.

Orig na orig daw Rep. Lito Atienza nasikmura ang sex video ni De Lima!

Biglang nanahimik si De Lima pagkatapos ng hysterical presscon niya tungkol sa riot na nangyari kuno sa New Bilibid Prisons noong Miyerkules.

Nang manahimik ang senadora, umingay na naman ang isyu ng sex video na ibinibintang sa kanya at gagamitin daw na ebidensiya sa imbestigasyon ng kongreso tungkol sa illegal drug trade sa Bilibid.

May mga kakampi si De Lima na naglabas ng pralala na hindi totoo na may sex video siya dahil pakana lamang daw ito nina President Rodrigo Duterte at Secretary Aguirre para makundisyon ang utak ng publiko  na sangkot siya ng kalaswaan.

Iba ang balita na nakarating sa akin pero kukumpirmahin ko pa. Narinig ko kasi ang tsismis na diumano, napanood na ni Buhay Party-List Representative Lito Atienza ang alleged sex video ni De Lima at siya ang makakapagpatunay na orig at hindi fake ang video, hindi kagaya ng wig ni Secretary Aguirre.

Kung totoo nga na napanood ni Papa Lito ang sex video, bilib ako sa tapang ng sikmura niya dahil hindi talaga kaya ng powers ko na mapanood ang pakikipagtsugihan ni De Lima sa kanyang driver sweet lover.

Matagal ko nang kilala si Papa Lito at wala sa record niya ang mag-imbento ng balita o manira ng kapwa. Kita n’yo naman, siya ang buong tapang na nagsabi na si De Lima ang dapat sisihin sa nangyari kay JB Sebastian na sinaksak sa kulungan dahil sa mga pralala ng senadora.

“Walang ibang dapat sisihin sa patayang nangyari sa Bilibid ngayon kundi si Senator De Lima. Dahil sa pagsasabi niya na asset ng gobyerno si JB Sebastian, na hindi naman kapani-paniwala, para na rin niyang sinabi na patayin n’yo na ‘yan,” ang sabi ni Papa Lito tungkol sa paglalagay ni De Lima sa buhay ni JB sa panganib.

AiAi ayaw umasa ng best actress sa Eurasia International filmfest

Ngayon natin malalaman ang resulta ng awards night ng 12th Eurasia International Film Festival na ginanap kahapon sa Almaty, Kazakhstan.

Official entry sa EIFF ang Area, ang pelikula na pinagbibidahan ni AiAi delas Alas.

Mabilis na nakarating sa Pilipinas ang balita na malakas ang laban ni AiAi sa best actress category dahil sa kanyang powerful performance bilang isang ageing prostitute sa isang bayan sa Pampanga.

Si AiAi ang bet ng mga foreign delegate at direktor sa EIFF na mag-win ng best actress trophy pero ayaw niya na umasa. Enough na raw na napansin at pinuri ang kanyang pagganap sa Area.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with