^

PSN Showbiz

Toni Gonzaga natagalan maglabas ng baby!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon

Nanganak na si Toni Gonzaga kahapon ng umaga.

Mismong ang mister niyang si Direk Paul Soriano ang nagbalita sa paglabas ng kanilang panganay.

Severiano Elliot Gonzaga Soriano (Seve) has arrived! Born 5:23 am on Sept. 30, 2016 at 7.2 lbs. Tin and Seve are doing great and now taking it easy. Thank you all for your prayers and support! Gob bless. #BabyBoy,” pagbabalita ni Direk Paul sa kanyang Instagram account kahapon.

Ayon naman sa mommy Pinty ni Toni sa interview ng ABS-CBN.com medyo nahirapang mag-push si Toni pero sa contractions daw ay naging madali. “Super hindi siya nahirapan sa contractions. It’s only this morning siya nag-start mag-push, so doon siya nahirapan.”

First apo sa magkabilang panig ang anak nina Toni at Direk Paul kaya lahat daw excited.

Agad na ring inilabas ng mag-asawa ang picture sa social media ng kanilang anak kagabi.

Maalalang hindi agad inamin ni Toni ang kanyang pagbubuntis. Ang paliwanag niya, siniguro muna nilang nasa maayos na kalagayan ang baby bago kumpirmahin.

Maghabol kaya si Jake? Andi mas piniling ilihim ang ama ni Ellie!

Finally pumiyok na si Andi Eigenmann sa maingay na isyu na si Jake Ejercito nga ang ama ng anak niyang si Ellie.

Kaya lang, wala pa ring kumpirmasyon sa sinabi ng kanyang half sister na si Max Eigenmann na apo nga ni Mayor Erap ang anak niyang magli-limang taon na.

Sinadya raw niyang hindi na sabihin ang ama ng bata para protektahan ang anak.

Heto ang kabuuan ng statement ni Andi :

“Recent events have put my daughter, Ellie, into the limelight with the media, netizens and strangers questioning who her father is. I made a conscious choice to not talk about the paternity of my daughter in order to protect the privacy of Ellie. Although she was born into a showbiz family, as a mother, I would like to shield her from the intrigues and gossip that are part of this industry. Growing up, Ellie knew who her father was and he has been there for her, and that’s all that matters. I hope this will put the issue to rest, out of concern for my very young daughter. I’m requesting everyone to respect the privacy of Ellie.”

Dalawang show ni Luis extended hanggang 2017

Hanggang next year pa mapapanood ang dalawang game show na hino-host ni Luis Manzano sa ABS-CBN.

Mataas daw kasi ang rating kaya nagpasabi na ang Kapamilya management sa kampo ni Luis na extended pareho ang Family Feud na napapanood ng weekends at ang Minute to Win It na daily naman umeere.

Melai buntis kahit selos nang selos ang mister

Kung nanganak na si Toni, ibi­nalita naman ng komedyanang si Melai Cantiveros na buntis siya sa kasalukuyan.

Yup, pagkatapos mag-ingay ng asawa niyang si Jason Francisco sa social media at ipangalandakan na hiwalay na sila, ayun kahapon sa programang Magandang Buhay kung saan isa sa mga host si Melai together with Karla Estrada and Jolina Magdangal, ibinalita niya ang pagbubuntis sa pangalawang anak nila.

“Sobrang saya ko nung nalaman ko na buntis ako. ‘Pag-pregnancy test ko unang nakaalam si Mela. Sinabi ko agad kay Jason at sobrang saya niya na madadagdagan ang aming family. So talagang happy family kami.

“Sagrado ang kasal kaya pinush namin na maging okay kaming mag-asawa. Thank you Lord. Sobra pinagdaanan namin,” sabi nito kahapon sa kanilang programa.

Tinawag si Jason at doon na nagkaiyakan ang mag-asawa at maging sina Karla and Jolina.

“Mahal na mahal ko kayong dalawa (ni Mela) at saka si baby future,” sabi ni Jason na nadiskubre ang pagkaseloso nang magkaroon ng show si Melai sa I Will Survive kung saan nito pinagselosan ang naging leading man ng misis na si Carlo Aquino.

Jennylyn nakipagkita kay Regine

Ngayong Sabado (Oktubre 1) sa Sarap Diva, ang Ultimate Star na si Jennylyn Mercado ay bibisita sa kusina ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid.

Bukod kay Jen, may kasama rin siyang international stars na makikipagsabayan sa kantahan sa Asia’s Songbird.

Abangan din ang paandar sa kusina ni Jen na Fish Tacos habang may sorpresa rin na inihanda si Regine sa Rom-com queen.

Mapapanood ang Sarap Diva ngayong Sabado ng umaga pagkatapos ng Maynila sa GMA.

Miss World tuloy na ang coronation

Bukas na Linggo, October 2 sa Sunday Night Box Office ng GMA 7 mapapanood ang grand coronation night ng Miss World Philippines 2016. Magtitipon-tipon ang 24 na magagandang kandidata mula sa iba’t ibang sulok ng Pilipinas para ipamahagi ang kahalagahan ng pagtulong sa kapwa.

Ayon sa Miss World Philippines national director Cory Quirino, mahalaga ang adbokasiya ng pageant para mabawasan ang kahirapan sa mundo. Dagdag pa niya, “If only we had a magic wand, we would use it to remove the poverty, the pain, the oppression, the diseases all over the world, but right now it should begin with one courageous, generous gesture.”

 Mapapanood ang telecast ng Miss World Philippines sa SNBO pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho sa GMA-7.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with