^

PSN Showbiz

Sharon si Regine lang ang gustong katrabaho sa lahat ng singer!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Si Regine Velasquez agad ang binanggit ni Sharon Cuneta nang tanungin kung sino sa local singers ang gusto niyang maka-collaborate. Sa foreign singers, sina Bruno Mars at Sam Smith ang top sa kanyang list. Fan daw siya ng mga nabanggit.

Sa concert na lang muna matutupad ang dream ni Sharon na maka-collaborate si Regine, hindi sa album dahil kung kailan bumalik sa Viva Records si Regine, si Sharon naman ang umalis at lumipat sa Star Records.

Ipinaliwanag ng manager ni Sharon na si Sandra Chavez kung bakit ito lumipat sa Star Records at ito’y dahil gusto nilang sa isang company na lang nagtatrabaho si Megastar. Sa ABS-CBN ang TV shows niya, sa Star Records ang recording at sa Star Cinema ang pelikula.

Sure na ang comeback movie ni Sharon to be directed by Cathy Garcia-Molina at bukod sa big actor, may sikat na love team siyang makakasama.

Pero sa ngayon, naka-focus si Sharon sa two-night concert niyang Sharon sa October 15 and 22 sa The Theater ng Solaire. Nagbiro pa ito na sana ay whole year na ang concert niya at every weekend. Pambawi na rin siguro sa binanggit ni Audie Gemora na matagal na pag-uusap ng Solaire at kampo ni Sharon.

Inaayos na nina Sharon at musical director niyang si Louie Ocampo ang repertoire ng concert to be directed by Paolo Valenciano. Ang Team Sharon sa The Voice Kids at ang anak na si Frankie Pangilinan ang special guests sa nasabing concert.

Sabi ni Sharon, si Frankie ang first talent ng management company nila ni Sandra.

Direktor nina Angel, Zanjoe, at Sam sa Love is Blind nadiskubre

Ipinalabas sa presscon ng The Third Party ang full trailer ng movie na showing sa October 12 at nagustuhan ito ng mga reporter. Nagtawanan ang mga reporter sa mga eksena nina Angel Locsin, Zanjoe Marudo, at Sam Milby.

First movie ito ni director Jason Laxamana sa Star Cinema at inaming na-starstruck siya sa three lead stars dahil napapanood lang niya dati ang tatlo sa TV.

In-offer ng Star Cinema na magdirek sa kanila si Jason after mapanood ang Love Is Blind ng Regal Films. Light ang ginawa niyang atake na base sa reaction ng mga nakapanood ng teaser at trailer ay siguradong big success.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with