^

PSN Showbiz

Dyowa ni Pokwang ayaw nang umalis ng ‘Pinas?!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Inaabangan na ng marami ang pagpapakasal ni Pokwang sa kanyang Amerikanong dyowa na si Lee O’Brien. After magkaroon ng miscarriage ni Pokwang ay expected na ng lahat na gawin nilang legal ang relasyon nila. Wala naman itong problema dahil ang anak ni Pokwag na si Ria Mae ay walang tutol sa kanilang relasyon. Napapanood ang Amerikano sa ilang palabas ng ABS-CBN. Konklusyon ng lahat na gusto nitong magka-karir sa bansa.

Pagpapaayos ni Joseph ng ilong, ‘di na dapat pakialaman

Bakit ba naman napaka-big deal kung nagpa-retoke man ng ilong si Joseph Marco na tahasan namang itinatanggi nito at pagsasabi na pumayat lamang siya kaya naging prominente ang ilong niya? Wala namang masama kung nagpa-enhance man si Joseph ng mukha. Dapat nga ay ginagawa ito ng maraming artista lalo’t afford nila. Walang masama na mas pagandahin nila ang mga sarili nila. Sa panahon ngayon, dapat  ay walang pangit, lalo na ang mga artista na inaasahang mas maganda kaysa sa mga hindi artista.

Kris umiwas sa gulo

Dumalo si Bimby Aquino sa premiere showing ng My Rebound Girl na nagtatampok sa ka-close nitong si Alex Gonzaga.

Nagsimula ang kanilang closesness nang magkasama sa isang movie. Hindi nakasama ng bagets ang sikat niyang nanay na si Kris Aquino para siguro makaiwas na sa gulo ng mga daratnan niyang media. Hindi naman nila makukulit ang bagets na wala namang pwedeng sabihin na pabor man o hindi sa kanyang kontrobersyal na ina.

Andrea ayaw pakabog kay Megan

Mukha naman hindi magpapaiwan sa pag-arte at maging sa pagpapaseksi si Andrea Torres kay Miss World Megan Young sa Alyas Robin Hood.

Suwete naman ng mister ni Marian Rivera na si Dingdong Dantes dahil dala-dalawang magaganda at magagaling na artista ang naglalaban hindi lamang sa atensyon niya kundi para maipakita ang kalamangan nila sa isa’t isa.

Lumabas na ang character na ginagampanan ni Andrea na hindi magpapahuli. Sino kaya sa kanilang dalawa ang dapat bantayan ni Marian?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with